She Died that Day

686 33 2
                                    

38. Just A Little More

...

Napahilot ako ng sintido habang pinagmamasadan ang tambak na paperworks sa table ko. Ilang oras na ako sa loob ng opisina pero wala pa rin akong nasisimulan. I can't focus due to some stuff running in the back of my mind.

It's been a week since the incident in the restaurant. And Re is-- I don't know. This past few days she's unpredictable.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya sa mga oras na ito. Last time she said she's working on something. Hindi ko alam kung ano iyon because she never tell me. Hindi na ako nag-usisa pa dahil hindi sya komportableng pagusapan ito.

Inayos ko ang gamit ko saka tumayo. Hindi ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ang takbo ng utak ko.

Sinubukan kong tawagan si Pia pero hindi ito sumasagot. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pinaandar ang sasakyan papunta sa kanyang clinic.

Nakasandal ako sa pader ng elevator habang hinihintay ang pagbukas nito. Napaayos ako ng tayo nang may mahagip ang mata ko nang bumukas ang elevator. Humugot ako ng malalim na hininga, I thought I saw her.

Napapailing na naglakad ako sa office ni Pia. Kumatok ako, medyo nagulat ako nang agad itong bumukas.

"You forgot your---" naputol ang sasabihin nya nang makita nya ako.

Her surprised expression made me frown. Dumapo ang tingin ko sa kamay nya.

"S-Shan? What are you doing here?"

Agad niyang tinago sa likod ang nasa kamay nya.

"What is that?" kunot noong tanong ko.

She hesitant before she answered.

"My patient just forgot her meds"

"Who?"

Hindi sya sumagot na ikinainis ko.

"Pia?" madiing tawag ko sa pangalan nya.

"I can't tell you. It's confidential. Its part of my profession"

"Pia, answer my fucking question!"

I don't want to shout at her but I can't think straight, my mind is clouded.

"Who is the owner of that damn anti- depressant?" I yelled out of frustration.

Nagiinit ang mga mata ko dahil sa pagpipigil sa luhang gustong kumawala.

"I'm sorry" nakayukong anas nya.

Natawa ako ng pagak kasabay ng pagtulo ng luha. Gusto kong sumigaw, magwala pero nawawalan ako ng lakas.

"Pia, please tell me" nagmamakaawang sambit ko.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong marinig. Kahit na alam ko na ang sagot sa tanong ko ay umaasa pa rin ako na mali ito.

I'm getting desperate.

"It's Reyve"

Nanghihinang napaluhod ako nang marinig ang pangalan nya. I started crying silently.

Why?

I know there's something she's hiding from me but I didn't expect this.

Or maybe I'm just indenial from the start?

"H-how long?" nagawa kong itanong sa kabila ng paninikip ng dibdib ko.

"Noong una gaya ng iba akala ko nagbago lang siya but my instinct told me otherwise. I started studying her in silent at nang maconfirm ko ang hinala ko I approached her. At first she declined my offer helping her. Nagulat ako nang isang araw kusa syang lumapit sakin. Every session wasn't easy for the both of us kasi ayaw nyang magsalita, she's having a hard time opening up to me. Until the night when she told me about the incident when she was still in first year college. Pero pagkatapos nun ay umayaw na sya. Then three days ago she went to me again"

Just A Little MoreМесто, где живут истории. Откройте их для себя