One Piece of Paper

528 33 2
                                    

28. Just A Little More

...

Matapos ng dinner ay lumipat kami sa living room, kasalukuyan nakatuon ang aming atensyon sa taong nakaupo sa harap ng grand piano. Sa paglapat ng kanyang daliri sa piano keys ay lumikha ito ng pamilyar na tunog. Her hands move continously, pressing the keys with heaviness as if she's emphasizing something. The produce sound is so alluring. Nakakatangay, nakakalunod, nakakahalina but at the same time its making hard for me to breathe.

The tempo suddenly shift to a little faster pace. 

The sounds stopped for a second then she started again nang mabagal, may diin ang bawat tipa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung paano ang mga ito pangangalanan.

Pinikit ko ang aking mata but it was a wrong move dahil mas sinaklaw ng musika ang loob ko. Sa pangalawang pagkakataon hindi ko inaasahan na sa pagbukas ng aking mata makakatagpo nito ang kanya.

Blankness and coldness are the only thing I can see in her eyes, there's nothing more.

She received a couple of compliments from everyone. Naupo ito sa tabi ng boyfriend nya na agad naman siyang kinulong sa bisig nito. Agad kong iniwas ang tingin at tinuon ang atensyon kay Amie.

"She's great!" bulalas ni Amie.

"Yeah" walang buhay na sang-ayon ko

"Kunyari ka pa eh halos hindi ka na nga makahinga kanina" aniya saka ako inirapan. Hindi ko ito pinansin.

"Maaga pa naman, aalis ka na?"

Napatingin ako kay kuya Dos, si Kyna ang kausap nito.

"I forgot I have something to do" she lamely excused.

"Just let her, kuya" sambit ni Pia.

"Happy birthday again" ani Kyna kay kuya Zandro bago nagpaalam.

"Hatid na kita sa labas" pagboluntaryo ko sabay tayo.

Napatigil ito at napatitig sakin, gayun din ang iba. Isang ngiti lang ang sinagot ko. Naunang bumitaw ng tingin si Kyna at tahimik na tumango.

Huminto kami nang nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. She stepped forward then faced me. I can clearly see the hesitation in her face.

"Thanks" mahinang sambit nito.

"Kyna" pagtawag ko nang makapasok sya ng sasakyan.

"Forget what you saw" napailing ako "No. Forget what happened" seryosong sambit ko.

She stared at me with unreadable expression. "I understand" mahinang sagot nito.

"Ingat sa pagdrive"

"Thank you" ngumiti ito ng bahagya saka pinaandar ang kanyang sasakyan.

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko sya bago magdesisyong bumalik sa loob pero hindi ko inaasahan na may tao sa likuran.

"Kanina pa ba dyan?" 

"Bakit may hindi ba ako dapat marinig?"

May pagtatakang napatitig ako dito.

"Wala naman, kung makapagtanong ka parang may tinatago kami" wika ko at pabirong tumawa.

Hindi ko alam bakit ganito makapagtanong si Pia. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Nakaramdam ako ng pagkailang. Her expression is so serious.

"You can drop that"

"Drop what?"

"Your act"

Napahinto ako at sinalubong ang kanyang tingin.

Just A Little MoreWhere stories live. Discover now