The Tempest

596 36 2
                                    

14. Just A Little More

...

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang magresume ang pasukan. Everyone seems busy lalo na at next week na ang quarterly exam namin. Nasa hallway ako habang nagkatutok sa cellphone nang may brasong umakbay sakin.

"Goodmorning, lover!" it was Ally.

I just ignored her.

"Ah ganun? Porket may jowa snobber na" she said and smacked my back.

"Kahit kailan feeling famous ka din makaignore amp, sabihin mo nga pano mo napikot si Shan ha?" she added crossing her arms.

Napatigil ako sa paglalakad saka siya hinarap.

"Hindi mo na kailangan mamikot, alam naman ng lahat na may gusto sya sayo"

She beamed after I said that.

"Talaga? Gusto nya din ako? Mygod I kennat!" she giggled.

"Hm" I continue walking.

"Seryoso ka ba dyan Re? Eh kese nemen beke neleleko me leng eke"

"Seryoso ako, ayon nga sya may dalang bulalak" sabi ko saka tinuro si Fernandez ng kabilang section. Matagal na itong nanliligaw kay Ally pero ayaw nya dito dahil sabi nya hindi ito marunong gumamit ng tawas o deodorant.

Ngumiti ang lalaki at nakita ko kung paano umasim ang mukha ni Ally. Bago nya pa ako mahampas muli ay binilisan ko ang paglalakad.

"GONZON!"

Her voice echoed in the hallway but I guess everyone in campus are used to her and her loud voice. Pagkapasok ko ng classroom ay agad na napatingin ang mga kaklase ko saking direksyon.

"Wala syang twitter at IG" 

"Ay oo nga pala, taong bukid pala sya"

Sab dragged me to their spot and placed her phone in front of my face. I winced because of the brightness.

"Opps sorry" aniya saka nito nilayo ang cellphone.

"Tignan mo yung tweet ni Shan, ang sweet diba diba?"

@shanvg
She tastes like strawberry but she hates it, It's okay because I love her.
10: 34 PM. Twitter for iPhone.
3, 688 Retweets  19K Likes

"Gosh nakakakilig"

"Ayy wow wala man lang reaksyon" sarkasikong turan ni Sab.

Napapikit ako at napahilot sa sintido. Ang aga-aga ang iingay na nila. Hindi ko sila pinansin, umupo ako saking upuan.

They slowly clapped their hands, in a very sarcastic way.

"Savage!"

"Legend"

"Godlike!"

"Tripple Kill---

"Aray naman Ally, bakit ka ba nambabatok?"

"Anong tripple kill?"

"Bakit ba?"

"Sab magcomment ka dali. Ganito sabihin mo, she tastes like strawberry but she hates it, it's okay because unlike the sweetness of the strawberry she's sour, haha"

Tumawa sila pero agad ding napatigil dahil sa pagpasok ng teacher.

"Maaga na ngang nasira ang umaga ko dadagdagan pa ng mangkukulam na to" bulong ni Ally habang umuupo sa tabi ko.

"Epal din siya kahit kailan, wala pa namang time andito na agad, wala ba battery ang relo nya?" she continues ranting.

How lucky I am to be seated beside the loudest person in class. My phone vibrated, dahil five minutes pa naman bago ang start ng first class ay binuksan ko ito.

Just A Little MoreKde žijí příběhy. Začni objevovat