Chapter 13 -Knight in Shining Armor-

217 5 0
                                    

Chapter 13 —KNIGHT IN SHINING ARMOR-

*******

 

Sofia's POV

 

"You two are partners." bungad ni Sir Clavio sa akin pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa pintuan ng room.  Siguro late ako ng mga three minutes dahil nagpalit pa ako ng P.E uniform. Medyo hinihingal pa nga ako e.


"Sino po sir?" I asked.

 

"The guy at your back."


Agad kong tiningnan kung sinuman yung nasa likod ko and—WHAT THE EFF?!


"Oh, aangal ka pa?" sabi niya ng wala man lang karea-reaksyion ang gwapo niyang mukha.  Sinamaan ko lang siya ng tingin at muling hinarap ang PE instructor namin. Daming alam nito ni Sir e. Mat 'pa-the guy at your back, the guy at your back' pa siyang nalalaman. Di na lang niya sinabing itong kupal na Andrade lang pala.


Siyempre aalma ako. Sino ba namang gugustuhing maka-partner tong poging kupal na to? *tingin sa mga classmate na babae* Tss. Malamang sila. -____-  "Pero sir, why him? Di po ba pwedeng iba na lang?" pagmamakaawa ko sa instructor namin.


"Ms. Clemente, late kayo pareho. And besides, kayong dalawa na lang ang wala pang partners."

 

"But Sir—"


"Bakit ba mas marunong ka pa sa akin, Ms. Clemente?" kalmadong sabi ni Sir pero ramdam ko na naiinis na siya.

Tiningnan ko ulit si Icen na nagsalpak ng earphone atsaka sumandal sa may pader sa gilid ng pinto. Nakasakbit pa rin sa balikat niya yung bag niya. Nyeta naman! Bakit naman kasi na-late pa ko! Buti na nga lang at hindi masyadong mahigpit itong si Sir Clavio pagdating sa mga late pero pwede rin naming pinagbigyan niya lang ako para may maka-partner itong damuhong lalakeng nasa likuran ko na wala naming pakealam sa mundo. Alam niyo naman, takot sa kanya mga tao dito.


"Okay, let's go now to the PE room." sabi ni Sir kaya no choice ako. Huwaah! Bakit ba kasi di na ko tinantanan ng kamalasan?


"Good luck girl. Yieeeh..." pang-aasar ni Kate at Zoe habang naglalakad kami papuntang corridor. Sinamaan ko lang sila ng tingin. As if may magagawa ako?

 

-PE ROOM-


"Okay class, listen to me first. This will be your first practicum on your midterm and this is recorded. So, you have no choice but to take it seriously if you want to pass on my subject this term." paliwanag ni Sir Clavio sa amin.


Seryoso ba to si Sir? Kakarerin ko sana talaga to kung iba lang yung partner ko. Aish! Kapag minamalas ka nga naman oh!


"HOY BABAENG EWAN!" tawag sa akin ng damuhong Andrade na yun. Babaeng ewan niya mukha niya! Akala niya lilingunin ko siya? Huh—Ang swerte niya naman?!


"HOY!"


Di ko pa rin siya nililingon.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now