Chapter 48 -Secrets and Heartbreaks-

130 4 0
                                    

CHAPTER 48 -SECRETS and HEARTBREAKS

*******

Sofia's POV

"Hija! Naku, buti at nakadalaw ka, na-mis kita." masayang bungad sa akin ni Tita Nerissa ng makapasok ako sa loob ng bahay nila. Bumeso ako kay Tita atsaka ko inilapag sa side table ng sofa yung mga prutas na pinamili ko para sa kanya.

"Buti naman po at tuluy-tuloy na yung paggaling niyo. Na-miss ko rin po kayo, M-mom... hehe." I said, "SI Icen po?" tanong ko at iginala ko ang tingin ko sa loob ng malaking bhaya nila. Yung kumag na yun, isang linggo ng hindi tumatawag sa akin, ni hindi man lang dumadalaw sa bahay tapos madalas ng absent sa school.

"Ah... nasa kuwarto niya. Hindi nga naglalalabas gaano e, nakakapanibago. Lalabas lang yan kapag kakain o kaya kapag iche-check niya 'ko. Nag-away ba kayo?" nagtatakang tanong niya sa akin kaya mabilis akong umiling.

"Hindi po." I answered, "Di po kami nakapag-usap ng maayos the last time na nagkita kami."

Tumango tango lang si Tita Nerissa pero ramdam kong nagtataka rin siya sa mga ikinikilos ni Icen this past few days. "Puntahan mo na lang sa kwarto niya." she said smiling.

Tumango ako kay Tita atsaka ako dahan dahang umakyat papuntang kwarto ni Icen. Pagkarating ko sa may tapat ng kuwarto niya ay di na ko nag abalang kumatok dahil nakaawang ng konti ang pinto. Akmang papasok na ko ay saglit akong natigil dahil nakita ko siyang may kausap sa cellphone at para siyang galit. May cellphone nap ala siya pero bakit hindi man lang niya 'ko nakuhang tawagan ng almost one week?

After niyang makipag usap ay padabog niyang ibinato ang cellphone niya sa may kama niya. Napahawak pa siya sa sentido niya at halatang may Malaki siyang problema na dinadala. Napaharap siya sa akin ng sumara ang pinto at nakapasok na 'ko. Ngumiti naman agad ako sa kanya, grabe na-miss ko talaga siya ng bongga.

"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

Biglang napawi ang mga ngiti ko. Seryoso ba siya? Talagang tinatanong niya ako kung anong ginagawa ko dito?

"I-I... just missed you... hindi ka na kasi pumupunta sa bahay... Ilang araw ka na ring hindi pumapasok. Atsaka... hindi mo man lang sinabi na may cellphone ka na pala." I said. Kahit alam ko naman sa sarili kong kayang kaya niyang bumili kahit isang dosenang cellphone pa nung time na nawala yung cellphone niya. Naiiyak ako. Almost one week lang naman siyang di nagparamdam sa akin tapos ganito pa ang isasalubong niya.

"I'm sorry, I'm just busy." matabang na sagot niya. Di man lang ba niya sasabihing na-miss niya rin ako?

"Icen... I said I miss you."pilit akong ngumiti kahit na nasasaktan na ko sa mga pinapakita niya sa akin ngayon.

Parang mas lalong nadurog ang puso ko ng tumango lang siya, "Okay." he said at blangko pa rin ang ekspresyon niya.

"Icen, may problema ba tayo?" lakas loob na tanong ko sa kanya. Isang kalabit na alang talaga sa akin, tutulo na ang luha ko.

Saglit niya kong sinulyapan atsaka siya nagbuntung-hininga, "Wala. You're just over reacting. Sa susunod na tayo mag-usap. Sige na, umuwi ka na."

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago ako muling nagsalita, "Hindi mo ba ko ihahatid?" I asked.

"You have your car. Bakit ihahatid pa kita? Tatawagan na lang kita mamaya, sige na."

And from that, mabilis na nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan pero mabilis ko ring pinunasan iyon. Iniwas ko agad ang tingin ko ng titigan niya ako. Akala ko pa naman yayakapin niya ako pag nagkita kami tapos magiging masaya siya, but I'm wrong. Ni hindi man lang niya ako nilapitan, ang masaklap pa, di na ko nakagalaw dito sa kinatatayuan ko simula kanina.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now