Chapter 21 -Monthsarry?-

188 5 1
                                    

CHAPTER 21 –Monthsarry?-

 

*******

 

Sofia's POV

 

*After One month*

Break time na namin ngayon at naglalakad na kami papunta ng cafeteria ng may humarang sa aking isang babae.

"Hi, Sofia Clemente!" masayang bati niya sa akin.

"H-hello?" I said.

 

"Uhm, pwede ba tayo maging friends?" she asked.

Tss. Ito na naman. -___- Simula ng kumalat ang isyung 'girlfriend' na 'raw' ako ng damuhong Icen na yun ay palagi na lang may mga babaeng lumalapit sa akin. Either pagbabantaan nila ako o kaya naman ay makikipagkaibigan sila sa akin. Eh kaya lang naman nila ko kinakaibigan ay dahil gusto lang nilang mapalapit kay Icen at hindi sa akin.  Jusko! Ano ba tong gulong pinasok ko? Kung gusto nila kahit isaksak pa nila sa baga nila si Icen.

"Okay. Friends na tayo." I said to her.

"Yey! Thank you. See you later Sofia!" sabi pa niya bago umalis.

"Infairness girl, dumadami na ang friends mo ah!" natatawang sabi ni Kate.

"Baka naman kalimutan mo na kami niyan?" –Zoe.

"Mga sira kayo! Alam niyo naman ang dahilan kung bakit ako kinakaibigan ng mga yun diba?"

 

"Eh jowahin mo ba naman ang pinaka-prinsipe ng Wildrent e!"

"Tss." nasabi ko na lang. Actually, nagsasawa na kong magpaliwanag sa kanila na pinilit nga lang ako ni Icen kasi hindi naman sila naniniwala. They keep on pushing me over that Jerk-Ice-man. -___-

Bukod pa sa mga pagbabantang natatanggap ko, si Valeen pa ang iniisip ko. Isang buwan na rin ang lumipas ng pumutok ang isyung yun pero nanahimik siya at hindi maganda ang kutob ko dun. Alam kong may pinaplano siya. Tss. Obsessed pa naman kay Icen yun. Si Kuya naman, nung nalaman niya yun ay pinagalitan niya ko. Galit nga yun sa akin hanggang ngayon e kasi di pa rin niya ko pinapansin. *sniff* Bigla ko tuloy naalala yung sinabi niya.

 

"...natutuwa akong may girlfriend na si Icen dahil may chance na ko kay Valeen pero ang ikinagagalit ko eh ikaw pala yung girlfriend! Sofia naman! Alam mo kung gano kagago yang Andrade na yan!"

 

Napaisip tuloy ako. Ganun ba talaga kasama ang tingin ni Kuya kay Icen? May ginawa bang malaking kasalanan si Icen sa kanya? Eh alam naman ni Kuya na walang gusto si Icen kay Valeen e. Na-curious tuloy ako. Parang meron pa kong hindi alam. Hmm.

(A/N: Kung anuman ang dahilan ng matinding galit ni Aznar kay Icen, MALALAMAN niyo rin. Hehehe just wait ^__^V)

"Ui, si Liam!"

Bumalik ako sa katinuan ng banggitin ni Kate ang pangalang yun.

"H-hi." naiilang niyang bati sa amin.

"Liam sasabay ka bang kumain sa amin ngayon?" Zoe asked.

"Uhm, hindi na muna siguro. May pupuntahan kasi ako ngayon. Sige, alis na ko." he said atsaka siya umalis.

Naging malamig ang pakikitungo ni Liam sa amin lately and I don't know the reason why. Hindi na rin siya tumatawag at nagtetext sa akin, huhuhu. Nakakalungkot lang kasi nami-miss ko na yung crush ko. Yung knight in shining armor ko.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now