Chapter 38 -The Confession-

181 7 0
                                    

CHAPTER 38 –The Confession-

********

Sofia's POV

Pwede akong mainis, magalit o kung ano pa man pero wala naman akong karapatan. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang notorious playboy na kagaya ni Icen? Ang masakit lang kasi sa part ko, bakit si Kate pa? She's my friend at kaibigan din ni Kristoff si Icen.

Aish. Nakakainis! Tapos nakita ako ni Icen kanina pero hindi man lang niya ko hinabol. Sabagay, bakit niya nga ba ako hahabulin e wala namang kami ah?

"Sofia, are you okay?" biglang tanong ni Kuya. Pagtingin ko sa kanila, nakatingin na pala silang lahat sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa dining area except dun kila Kate, Kristoff at Icen. Di ko alam kung ano ng nangyari sa kanila. Di naman siguro mapapatay ni Kristoff si icen. Buhay pa naman siguro yung damuhong yun.

"Hey Sofia! Ano bang nangyayari sayo?" si Zoe na ang nagtanong.

"Bigla kang nagkaganyan simula ng bumalik ka dito. Nasan na nga pala yung tatlo?" Stephen asked.

Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ko ang pagkain. Naiinis man ako kay Icen pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Galit na galit ang hitsura ni Kristoff kanina sa naabutan namin. Siguro nasapak niya si Icen? Pero, okay lang naman siguro yun si Icen since sanay naman siya sa suntukan.

"She's acting weird." narinig kong komento ni Valeen pero di ko na lang sila pinansin ng dumating sila Kate at Kristoff ng magkahawak ang kamay kaya lahat kami ay nagulat.

"Hoy, kayong dalawa! Ano yan? Extended ang acting? FYI po, wala dito si Kiefer." Zoe said.

"Tangna 'tol! Can you tell us what's the meaning of that?" –Stephen.

"Tol naman. Ano na naman bang kalokohan yan?" tanong naman ni Dane sabay inom ng tubig.

"Well, I'm so happy for the both of you. Pero pwede niyo bang sabihin kung pano nangyari yan?" –Keith.

Nag-usisa sila ng nag-usisa sa dalawa pero ako ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at nagpanggap na parang walang pakealam. Di ko talaga alam kung bakit ako naiinis e.

"Okay guys, kalma!" Kristoff said then itinaas niya ang magkahawak nilang kamay ni Kate, "Totoo 'tong nakikita niyo. Hindi 'to acting or what. Nagkabalikan na kami." he added at todo ngiti pa sila ni Kate.

"Yown!"

"Finally!"

"Hoy Kristoff! Umayos ka ah! Subukan mo lang paiyakin ulit yang si Kate, naku! Malilintikan ka talaga sa akin!" pagbabanta ni Zoe.

"Na-touch naman ako dun Zoe girl." –Kate

"Tanga! Nakakairita ka kasi umiyak! Hagulgol kung hagulgol! Kala mo namatayan, Tss."

"Buwiset! Akala ko pa naman concern ka talaga sa akin."

"Siyempre joke lang! Pfft. Ui Kristoff ah, usapang matino."

"Ofcourse. Hindi na iiyak si Kate, promise."

"Now tell us what happened." singit ni Kieth.

"Well, let's say... si Icen talaga ang may pakana nito." Kristoff answered.

"Si Icen? How?"

"Basta! Mahabang kwento! Mamaya na namin sasabihin sa inyo, nagugutom na kami e." natatawang sagot ni Kate tapos umupo sila ni Kristoff atsaka kumain.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon