Chapter 34 -Jealousy-

149 5 0
                                    

CHAPTER 34 –JEALOUSY-

********

Sofia's POV

"Guys, I'm sorry. Di ko naman ine-expect na nandito rin sila." Kate said.

"Pag-aari nila Kristoff ang resort na 'to, ano pa nga bang ine-expect mo?" sabi naman nitong si Zoe.

"Bakit ba kayo nagtatalo? Ano naman kung nandito sila? Nandito tayo para mag-enjoy, diba?" singit ko.

"Sabagay! Tara, bilisan na natin kumain para makalusob na tayo sa dagat!"

After namin kumain ay nagkanya-kanyang bihis na kami ng swim wear namin. Pare-pareho kaming naka-one piece lang kami at short shorts.

Pagkarating namin sa dagat ay lumusong agad sila Kate at Zoe kasama si Liam sa tubig na akala mo mga batang nagtatampisaw habang ako ay nakaupo lang sa buhanginan at pinagmamasdan lang sila.

Tuwang tuwa akong pinapanood yung tatlo na naglalaro sa dagat ng biglang may maghagis ng tuwalya sa mukha ko kaya agad kong tiningala kung sino man ang gumawa nun at ng malaman ko kung sino ay sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Problema mo?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Yang suot mo." seryosong sagot niya.

Agad kong niyakap ang sarili ko, "B-bakit? Anong problema sa suot ko?"

"Tss. Kelan ka pa natutong magsuot ng ganyan?"

"Baka po summer ngayon?" sarcastic na sabi ko sabay irap.

Imbes na sumagot siya ay umupo siya sa tabi ko at dinampot yung towel na binato sa akin atsaka ipinatong iyon sa balikat ko. "Hindi porket summer maglalabas ka na ng katawan mo." he said.

Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Unti-unti na talaga akong nafo-fall sa badboy na 'to. Palihim ko siyang sinulyapan at buti na lang nakatingin siya sa mga taong nasa dagat. Yung kagwapuhan ng lalakeng 'to di man lang nababawasan. Jusko! Partida, naka-white sando shirt lang siya ngayon at simpleng short.

Napansin ko namang napatingin siya dun sa mga lalakeng nasa di kalayuan sa amin at ng tingnan niya ulit ako ay parang galit na yung aura niya. Pero ang mas ikinabigla ko ay nung hinubad niya yung sando shirt niya at itinakip iyon sa legs ko.

"I-Icen..." di ako makapagsalita ng maayos. Kasi naman yung abs niya, shet lang!

"Mapapaaway ako sa ginagawa mo e." he whispered without looking at me pero sapat na para marinig ko.

"A-ano bang ginawa ko?"

"Sa susunod kasi wag ka ng mag susuot ng ganyan. Nakita mo yung mga lalakeng yun?" tang niya sabay tingin dun sa mga lalakeng nakatingin din sa—akin ata? "Hindi ko gusto yung mga tingin nila sayo. Matagal tagal na rin akong hindi napapaaway e." parang naiinis pa na sabi niya.

"Icen, tumigil ka nga! Oo na, sige na. Hindi na ko magsusuot ng ganito. Tss." I said to him.

"Good." seryoso pa ring sabi niya.

WOW. Boyfriend duties. Teka, kinikilig ako!

"ICEN!"

Sabay kaming napatingin dun sa tumawag sa kanya at—W-O-W. Si Valeen na naka-two piece lang at ang sexy niya grabe! Nang ibalik ko ang atensiyon ko kay Icen ay nakangiti na siya at nakatitig na kay Valeen. Aish! Naiinis na naman ako! Gusto ko siyang batukan ngayon, I swear!

"Tara ligo na tayo." yaya sa kanya ni Valeen.

Agad namang tumayo 'tong si Icen at sumunod kay Valeen. Wow huh?! Pag ako, hindi pwedeng mag-swimsuit? Samantalang si Valeen, lantad na lantad ang katawan tapos okay lang sa kanya?! Bakit, sexy rin naman ako ah? Tapos, isang yaya lang ng babaeng yun iiwanan na niya agad ako dito? Grabe!

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat