Chapter 42 -D and Z Love (Dane and Zoe Special Chapter)-

162 3 0
                                    

Chapter 42 –D and Z LOVE (Dane and Zoe Special Chapter)-

Warning (Ulit) : Hahaha ginawa ko ulit ang lahat ng makakaya ko para sa chapter na 'to. Maraming salamat. I lab yuuuu. Muah.

******

Sofia's POV

"Hey you sleepyhead! Wake up! Tss. Palagi na lang kita naaabutang tulog." narinig kong sabi ng taong nasa gilid ko pero nagtalukbong lang ako ng makapal at puti kong kumot. Nagha-hallucinate na naman ata akong si Icen yung nagsalita. "Wake up or I'll kiss you. Hey." he whispered.

Automatic akong napaupo sa kama ko.

"Waaaah! Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?! Pano ka nakapasok ng kuwarto ko?" sunud-sunod kong tanong sa kanya pero inirapan lang ako ng loko.

"Tss. I have the spare key, remember?"

"Ay oo nga pala, hehe. Goodmorning." sabi ko sa kanya at nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

"Ano ba namang klaseng 'goodmorning' yan!" biglang reklamo niya kaya napa-kunot ang noo ko.

"Eh? Pano ba dapat?"

"It should be like this..." naka-smirk na sabi niya sabay lapit niya sa akin ng bigla na lang niya 'kong hinalikan pero saglit lang, "Goodmorning." segunda niya.

Di agad ako naka-recover sa ginawa niya.

"Waaaah! Bakit mo na naman ginawa yun! Kota ka na ah!" finally nasabi ko rin tapos binato ko siya ng unan pero tinawanan niya lang ako.

"It is my right. I am your boyfriend, duh."

Inirapan pa 'ko. Mukha tuloy siyang bading. Pft.

"Kaya ayaw kitang bigyan ng spare key e. Bigla ka na lang papasok ng kuwarto ko at gagawin mo ang gusto mo. Tss."

"Hahaha! Because I am your boyfriend tho. Besides, I have your parent's permission."

Boypren! Boypren! Fine! Ayana ng palagi niyng idadahilan sa akin. Sabi niya pwede ko rin naman daw gawin sa kanya kung anong gusto ko kasi nga daw pag-aari na naming ang isa't isa. Ganyan yan ka-possesive. -__- Kahit ano daw basta wag lang daw yung *toot* alam niyo na, masyado pa kaming bata para dun. Sabi pa nga niya gagawin lang daw namin yun kapag kasal na kami. Oh diba? Para namang iniisip kong gagawin namin yun? Yaaaak kaya! -___-

"I love you that much and I respect you. Unless, ikaw yung mag-initiate. Lalake pa rin ako and I still have my needs. Hahahaha! Joke lang! Of course I won't do that. We should exchange our vows first and hear our I DO's."

Feeling ko tuloy nag-init yung mukha ko ng maalala ko yung sinabi niyang yun kagabi. Nasampal ko tuloy sarili ko.

"Tss. You're spacing out again. Sige na, maligo ka na at nandiyan na po yung breakfast mo. Hintayin na lang kita sa labas." he said then tumungo na siya sa may pinto at lumabas pero wala pang one second ay muling bumukas ang pinto at sumilip siya dun, "Hurry up, I love you." pa-cute pa na sabi niya atsaka muling isinara ang pinto.

Napasubsob naman ako sa unan ko sa sobrang kilig, hahaha! Lintek na Icen 'to!

*******

"We should execute the plan as much as possible." I said. Nandito ako ngayon sa shotgun seat ng kotse ni Icen habang siya naman ay nagda-drive.

"Ngayon na talaga?" tanong niya.

"Uh-huh."

"Di ba pwedeng mag-date muna tayo?"

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon