Chapter 12 -His Mom-

207 5 0
                                    

CHAPTER 12 -HIS MOM-


*******

Sophia's POV

"Argh! Namumuro na talaga sa akin yang Icen na yan! Konting konti na lang talaga sisiguraduhin kong mababawasan yang kagwapuhan niya pag sinampolan ko siya sa mukha!" gigil na sabi ko. Nandito ako ngayon sa CR at kasalukuyan kong nililinis ang puik sa mukha at katawan ko.


"Eh di inamin mo ring gwapo talaga si Papa Icen!" Kate said.


Sinamaan ko lang siya ng tingin.


"Ano ba kasing nangyari? Pano ka napunta sa putikan?" tanong naman ni Zoe sabay abot sa akin ng towel.


"May mga babaeng humila sa akin habang naglalakad ako sa corridor tapos ayun piniringan na lang nila ako bigla." kwento ko. "At sigurado akong si Icen ang may pakana nito." I added.


"Hindi man namin nakita yung nangyari... nalaman namin na... Icen offered his hand to help you. So how come na si Icen ang may gawa sayo nito?" Kate asked.


"C'mmon girls.Ginawa niya yun para magmukhang mabait sa harap ng tao at ako ang palabasin na masama. Tsk. Di niyo ba nage-gets?" I said.


"Sofia... hindi na kailangan ni Icen magbait-baitan sa harap ng ibang tao. Kilala na siya as.. you know, mahilig sa gulo. Besides, wala sa vocabulary nun ang word na kindness noh! Di nga siya naniniwala sa Love e." Zoe said. Tatango tango naman itong si Kate. Di pala naniniwala sa love yun? No wonder, kaliwa't kanan ang mga babae. Tss.


"Atsaka sure ka ba na si Papa Icen talaga ang may gawa sayo nito?" -Kate.


"Eh sino pa nga ba?" I asked. Nagkibit balikat lang silang dalawa.


"Sige na Sofia, magbihis ka na. Buti na lang talaga may extra uniform pa ko sa locker."

"Oo nga e. Good thing na kasya siya sa akin."


"Sige na girl. Mukha ka ng batang yagit diyan sa hitsura mo. We'll wait you outside." singit ni Kate.


I nodded.


***

Third Person's POV


"Shit! Panong napunta si Icen dun?! I told you guys na si Sofia lang diba?!" inis na inis na sabi niya.


"Hindi naman namin alam na susulpot din dun si Icen! To think na he offered his hand to help that bitch." taas kilay naman na sabi ng isang kasama niya.


She took a deep breath. "She's really pissing me off. Hindi niya talaga kilala kung sino ang kinakalaban niya. At wala akong pakialam kung isa pa siyang Clemente!" she said.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz