Chapter 25 -Immersion Day-

198 8 0
                                    

CHAPTER 25 –IMMERSION-

*******

Sofia's POV

Simula ng umandar yung bus na sinasakyan namin ay parang gusto ko ng paliparin 'to para makarating agad ng Batangas. Hindi dahil sa excited ako kundi dahil sa awkwardness na nafi-feel ko. Shemay lang! Di pa nga ata kami nangangalahati ng byahe. Four hours pa naman ang byahe from Wildrent to Batangas. Itong si Liam parang hindi ko man lang nakikitaan ng awkwardness e. Akala mo hindi nasuntok ni Icen.

Nabigla naman ako ng hawakan ni Liam ang kamay ko sabay bulong ng, "Kalma lang."

Nginitian ko na lang siya at muling sinulyapan si Icen na ngayon ay nasa labas pa rin ng bintana ang tingin.

Ilang oras pa lang ang lumipas ng makaramdam ako ng antok.

*******

"Sofia... Sofia, gising na. Nandito na tayo." mahinang sabi ni Liam habang dahan-dahan akong niyuyugyog sa balikat. Saka ko lang na-realize na nakatulog pala ako sa balikat niya.

"Tss. Ang bigat ng ulo mo." biglang sabi ni Icen kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pinagsasabe mo?" tanong ko sa kanya. Nababaliw na ata to. Kay Liam kaya ako nakatulog pano niya nasabing—

"Nakatulog ka kanina sa balikat niya." natatawang sagot ni Liam kaya ibinalik ko sa kanya yung atensiyon ko.

"Huh? Panong nangyari yun e diba—"

"Nakatulog din kasi ako tapos nung nagising ako nakita kong natutulog ka sa kanya. Ipinalipat ka niya sa akin kasi daw ang bigat ng ulo mo." Liam explained. Di naman ako makatingin kay Icen. Aish. Nakakahiya. ano ba naman tong ginawa ko.

"Di pa ba kayo bababa?" biglang tanong ni Icen na sobrang seryoso.

"Let's go Sofia. Akin na yung bag ako na ang magdadala." nakangiting sabi sa akin ni Liam tapos tumayo na siya at kinuha yung bag ko. Nilibot ko yung tingin ko bus. Kami na lang pala yung naiwan dito sa loob. Iniwan ako nila Kuya pati nila Zoe at Kate? Tsk. Yung mga yun talaga. Ito namang si Liam at Icen di man lang ako ginising.

Inalalayan akong makababa ni Liam ng bus at nasa likod namin si Icen. Buti na lang fresh air ang agad na sumalubong sa akin pagkababa ko.

Dumeretso kami sa isang convention hall para sa briefing ng mga activities na gagawin namin. Sinabi doon na 3 days pala ang itatagal namin dito sa Batangas at di pa pala dito ang pinaka main loation namin. Since first day namin ngayon, may kinuhang hotel ang Wildrent para sa pag-i-stay-han namin for now. Magpapahinga lang muna kami dun then after lunch a proceed na kami sa isang beah resort for our activity today. Napag-alaman ko rin na pag-aari nila Dane yung hotel at kila Kristoff naman yung beach resort. Actually, isa lang daw yun sa mga branches nila dito sa Pilipinas. No wonder, VIP treatment talaga sila sa Wildrent dahil nagiging sponsors pala sila sa mga ganitong event.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now