Chapter 11 -Meet the members and her Second consequence-

259 5 0
                                    

Chapter 11 —MEET THE MEMBERS and HER SECOND CONSEQUENCE-

 A/N: Hello! Eto na po agad agad yung update ko ^_^ Ngapala, baka magtaka kayo kung bakit mabilis po ako mag-update. Uhm, actually sa record book ko po muna talaga sinusulat lahat ng story ko. Palagi kong dala yung record book kahit saan ako magpunta para pag may naisip ako, sulat ko agad hehe. Tapos kapag sinipag saka ko siya tinatype sa Microsoft Word at kapag naloadan na yung broadband, ayun po update kara-karaka kaya minsan sa isang araw 2 or 3 chapters ang naa-update ko. Huhu dami ko satsat sorry! Enjoy reading! Thank yow!

*******


Sofia's POV


"Good morning Dad. Good morning mom." sabi ko pagkababa ng hagdan. Nasa sala sila at nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng news paper si Dad habang nagkakape.


"Mabuti naman at gising ka na. Kumain ka na baby girl." Mom said.


"Si kuya po?" I asked.


"Nauna na. May gagawin pa daw sila ng mga classmates niya."


So ibig sabihin hindi ko makakasabay si Kuya ngayon? Sige na nga, magpapahatid na lang ako kay Kuya Joe-yung driver namin.

Lalakad na ko papuntang kusina ng tawagin ako ni Daddy.


"Sofia."

 

"Yes Dad?"

 

But instead na sumagot ay may ibinato siya sa akin. Isang bagay na matagal ko ng gustong bawiin. Huwaaaah! Finally!


"Mag iingat ka na, okay?" he said.


"Aye aye captain!" I said tapos lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Thanks Dad."  kahit naman ganyan ka-strict si Daddy alam ko namang hindi pa rin ako matitiis niyan.


Finally naibalik na sa akin ang susi ng kotse ko. Meaning, mada-drive ko na rin siya ulit! Wohooo! I really missed my car.


Mabilis kong tinapos yung kinakain ko at nagprepare ako agad para pumasok sa school. To be honest, hindi ako excited pumasok, mas excited akong mag-drive. Hello? Almost a month ko ring hindi nagamit to. ^_^


*WILDRENT UNIVERSITY*


"Good morning mga kuya! Uhm, may parking space pa ba under VIP's? I'm Sofia Clemente." sabi ko sa mga guards.


"Aah, yes mam! Nagpa-reserve na po si Sir Aznar kanina."


"okay, thank you." I said then dinrive ko na yung car ko papasok sa loob. Si Kuya talaga... alam na pala niyang ibabalik na sa akin ni Dad yung kotse ko. Kaya siguro iniwan ako nun.


Since  maaga ako ngayon dahil sa excitement kong ma-drive ulit yung kotse ko ay dumeretso muna ako ng library para magpalipas ng oras. 8 am pa lang eh 9 pa ang pasok ko.  I still have one hour.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now