Chapter 18 -Be my Girlfriend-

181 6 1
                                    

A/N: This chapter is dedicated to you @curllihcel ♥ Super thanks bebe sa support mo. Alabyaaah ♥♥♥


CHAPTER 18 -BE MY GIRLFRIEND-

*******

Sofia's POV

"Ano po?! Okay, okay... Ano pong pangalan ng bar? Okay, sige po. Thank you. Pupunta na po ako." natatarantang sabi ko sa tumawag sa akin atsaka ako mabilis na lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. 

***Sa Bar***

"Kuya, ano bang problema bakit ka naglasing?" I whispered habang pilit kong inaakay si kuya na ngayon ay lasing na lasing. Ngayon ko lang nakitang naglasing si kuya ng ganito.

 

"Oh, ikaw pala yan mahal kong kapatid! Gushto mo uminom? *hik* masharap to!" sabi niya sabay tawa.

"Kuya ano ba. Tara na, uuwi na tayo."

 

"Uuwi na tayo? Mamaya na. Di pa ubos tong *hik* iniinom ko oh..."

"Kuya let's go!" sabi ko sa kanya tapos hinatak ko na siya patayo.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpatulong ako sa katulong namin na dahan-dahang iakyat si kuya sa kwarto niya. Nag iingat akong di makagawa ng ingay dahil nakauwi na sila Dad at nagpapahinga na sa kwarto nila.

"Huuuh! Ang bigat mo kuya!" I said ng mailapag namin si Kuya sa kama niya.

"Valeen..."

Pareho kaming napatingin ni Manang kay Kuya Aznar na ngayon ay natutulog na. Tama ba ang narinig ko? Binanggit niya ba ang pangalang Valeen?

 

"...Valeen...ako na lang please..." he said again pero this time napansin kong may luha na sa mga mata ni kuya.

"Valeen? Sinong Valeen?" tanong ko kay manang pero nagkibit-balikat lang si Manang.

Nabigla ako ng may mapagtanto ako. Oh my Gosh! Is it Valeen... Carlson? No,no,no. Oo maganda siya pero opposite yun sa ugali niya. Di siya magugustuhan ni Kuya. Atsaka, maraming Valeen sa mundo!

Tatalikod na sana ko para lumabas ng muling magsalita si Kuya.

"Icen doesn't deserve you..." he said tapos inulit ulit na niya yung pangalan ni Valeen.

Oh, no! Si Valeen Carlson nga! Siya nga yung babaeng matagal ng mahal ni kuya! At nasasaktan siya ngayon dahil si Icen ang gusto ni Valeen. Oh, my...

I took a deep breath bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Kuya.

***KINABUKASAN***

 

"Good morning kuya!" bati ko kay kuya na kakapasok lang ng kitchen at dire-diretsong hinarap ang ref para kumuha ng tubig. Halatang wala siya sa mood at mukhang may hang over pa dahil sa hitsura niya ngayon—magulong buhok, gusot na polo at inaantok na mga mata.

"Anong nangyari? Pano ko nakauwi?" tanong niya pagkatapos niyang uminom at umupo siya sa harap ko.

"Kumain ka muna kuya oh." sabi ko tapos inabutan ko siya ng pinggan. Kumakain kasi ako ngayon ng breakfast e.

 

"Siyangapala Sofia, pumunta ka sa department ko. Tell them na hindi ako makakapasok ngayon." seryosong sabi niya.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora