Chapter 44.2 -The Truth-

153 3 0
                                    

Chapter 44.2 –THE TRUTH-

*********

Sofia's POV

I know it's not easy for him lalo na't kakapatawad niya pa lang sa Mommy nya and you know what's more worst? Ngayong birthday niya pa talaga nalaman! Masakit ito para sa kanya and all I need to do is to stay in his side, nangako akong hinding hindi ko siya iiwan.

"I-Icen..." mahinang sambit ko sa pangalan niya pero sapat na para marinig niya. Nandito kasi kami ngayon sa park ng village nila dahil dito siya huminto nung sinundan ko siya. Narinig ko pang huminga muna siya ng malalim bago niya ko nilingon.

"S-Sofia..." nakita ko pang tumulo ang luha niya sa pagbigkas ng pangalan ko. Masakit para s aain ang maita siyang ganito kaya tumakbo ako palapit sa kanya at mabilis na niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko.

"Hindi ako sanay ng ganito ka." I whispered.

"Please... stay with me." I heard his sobs after he said that.

"Of course. I'll stay, promise." at niyakap ko pa siya ng sobrang higpit.

*********

Wala akong alam na pwedeng gawin kung pano maiibsan ang sakit na nararamdaman ngayon ni Icen maliban sa assurance na hinding hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari.

Mahimbing ng natutulog ngayon si Icen dito sa kwarto ko at pinagmamasdan ko lang siya habang hinahaplos ko ang buhok niya pataas. Nandito siya ngayon sa bahay dahil ito ang hiniling niya sa akin. Ipinaliwanag ko kila Mommy ang nangyari at mabuti na lang pumayag sila, hindi naman kami gagawa ng kalokohan e. Ipinaalam ko na rin kila Dane na dito tumuloy si Icen sa bahay at sinigurado ko sa kanilang okay naman si Icen dahil kahit hindi nila sabihin alam kong nag aalala sila para sa kaibigan.

Hinalikan ko si Icen sa noo atsaka ako humiga sa tabi niya, "I love you." I whispered to him bago ko ipikit ang mga mata ko.

**KINABUKASAN**

Tulog pa si Icen sa tabi ko ng maka-receive ako ng tawag galing kay Tita Nerissa. Nung una akala ko kakamustahin niya lang si Icen but then she invited me to their home dahil gusto niya daw akong makausap kaya bago ako umalis ay naghanda muna ako ng breakfast ni Icen at inilapag sa side table ng kama ko with a note: "May pupuntahan lang ako sandali. If you need anything, just tell Mom. Wag ka magpapagutom, I love you. –Sofia."

Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ako kailangang makausap ni Tita Nerissa ay nararamdaman ko namang tungkol ito sa nangyari kagabi.

********

"How's my son, hija?" bungad na tanong ni Tita Nerissa sa akin ng makarating ako sa bahay nila at namumugto pa ang mga mata niya. Alam na kaya ng Daddy ni Icen ang nangyari? Sa palagay ko hindi pa dahil kung alam nito ang tungkol dito malamang ay umuwi na yun galing sa business trip nila sa London with my Dad.

"Okay naman po siya, I guess? Kayo po?" tanong ko na ikinatahimik niya pero agad rin naman siyang nagpakawala ng isang pilit na ngiti, "Don't worry po. Everything will be okay. Bigyan niyo lang po ng time si Icen, nagulat lang po yun sa mga nalaman niya." I said.

"Alam kong hindi makikinig sa akin si Icen kahit ano pang gawin ko kaya ikaw ang tinawagan ko dahil sigurado akong ikaw ang pakikinggan niya, hija."

"H-ho?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"I will tell everything to you Sofia at ikaw na ang bahalang magsabi ng lahat sa anak ko." seryosong sabi niya at hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "I trust you."

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now