Chapter 3 -Wildrent University (Part 2)-

267 7 0
                                    

CHAPTER 3 —WILDRENT UNIVERSITY (Part 2)-

 

*******

 

Sofia's POV

 

8:58 am. I still have two more minutes. Buti na lang at di pa ko late. Bakit naman kasi naisipan ko pang makialam sa gulo nila, ako tuloy lumabas na masama! -___-

Pagkapasok na pagkapasok ko ng room, ang awkward. Inisip ko pa nga na baka mali ako ng room ng napasukan e kaso ito talaga yung room na nakalagay sa schedule ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Is there something wrong with my face?

May bakanteng upuan sa middle row at may bakante din sa likod nun. Pinili ko yung sa middle row. Pinilit kong ngitian yung mga nadadaanan ko habang patungo ako sa uupuan ko. Same happenings kanina, may mga ngumingiti sa akin, may mga nagtataray. I'm used to it. Palagi naman talagang ganito kapag bago ka diba? Bakit naman kasi ang tagal ng professor?! Ang awkward na talaga sa pakiramdam. Feeling ko kasi ako na yung dahilan nung bulungan dito sa room.


"Good morning Class." bati nung kapapasok lang na babae na medyo may edad na. Malamang ito na yung professor namin.


Tumayo naman yung buong klase at ginaya ko sila. "Good morning Mam Gonzales." they said.


"Okay you may sit. By the way, sinabi sa akin ng Dean na may transferee dito sa section na to. So, nandito na ba siya?" tanong ng professor habang iginagala ang paningin niya. Obvious naman siguro na ako ang hinahanap niya kasi ako lang naman ang bago dito.


"Mam." I raised my hand.


"Yes, Miss. Proceed here in front and kindly introduce yourself." She said.

Tss. Ano to high school? Bakit kailangan pa magpakilala?


"Miss?" ulit ni Mam.


"Ah! Yes, Mam!" I said at tumayo ako para pumunta sa harapan. "Uhm... H-Hello... Ako nga pala si—" Sabay sabay kaming napalingon sa lalaking sumulpot sa may pinto. Inayos ayos niya pa ang buhok niya at hingal na hingal.

WHAT THE HELL IS HE DOING HERE?! Don't tell me he's my... classmate?! OH NOOOO!


"You're late again Mr. Andrade!" Ms. Gonzales shouted.


"But—"


"No more explanation Mr. Andrade! Stay outside!" sigaw ulit ni Mam. Grabe pala tong Professor na to. Nakakatakot.


"Tss. Fine!" he shouted back. Aba bastos to ah!

 

"Hindi ba natatakot si Mam mawalan ng trabaho?" narinig kong sabi nung babae sa harapan ko. Eh? Ano namang ikakatakot ni Mam ginagawa lang naman niya ang tama.


"Buti nga." I whispered to myself at ngingiti ngiti pa ko. Bigla namang napadako ang tingin sa akin ni badboy at obvious na nagulat siya tapos bigla ko siyang dinilaan kaya naman nakatikim na naman ako ng death glare sa kanya. Tss. Takot ko lang hahaha.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن