Chapter 10 -Womanizer/Woman Hater-

299 5 0
                                    

CHAPTER 10-WOMANIZER/WOMAN HATER-

*******


Sofia's POV

 

"Buti na lang weekend ngayon. Akalain mong nakaka-one week na pala ako sa Wildrent?" I said to myself atsaka ko bumangon.*yawn* Ang aga ko naman nagising -__- Haaaay... Kung alam lang nila Daddy yung nangyayari sa akin sa Wildrent huhu. Ah basta! Kaya ko to! Andrade lang siya Clemente ako! Oh, eh ano ngayon? Oo nga noh? Ano ngayon kung Andrade siya tapos Clemente ako? Wala palang difference yun. Mayaman nga rin pala yung Icen na yun! Ano ba kasing meron sa kanya at parang sinasamba siya sa Wildrent? Waaaaah! Para na kong tanga dito. I'm talking to myself na! At bakit ko ba kasi iniisip yun?


Biglang bumukas ang pinto.


"Yaya, I told you to knock first before you enter my room diba?" I said.


"Ay, sorry po mam. Kanina pa po ako kumakatok pero di po kayo sumasagot kaya pumasok na lang po ako." yaya answered.


Eh? Talagang nag-space out ako kakaisip about that... urgh! that Idiot? Tss, fine. That handsome idiot?


"Okay, okay. So bakit po kayo nandito?" I asked.


"May naghahanap po kasi sa inyo na dalawang babae—"


"GIRL!"

Nagulat ako sa dalawang babaeng sumigaw at dire-diretsong pumasok ng kwarto ko at umupo sa kama ko.


"Ah, mam.. labas po muna ako. Kung may kailangan po kayo tawagin niyo na lang po ako." paalam ni yaya bago lumabas ng kwarto ko.


"Sorry girl. Sabi kasi ng Mom mo pasukin ka na namin dito. Infairness ang cool ng Mommy mo ah!" Zoe started.


"Atsaka, Gosh! Katabi pala ng room mo yung room ng kuya mo! Kyaaaah! I saw him with my own two eyes!" kinikilig na sabi naman ni Kate.


"Ehehe... baka magkapatid kami Kate kaya magkatabi kami ng room? Atsaka, di niyo ba nakikita si Kuya sa school?"


"Ano ka ba naman! Topless kaya siya kanina tapos naka-pajama lang siya. Parang nag-blush pa nga siya nung nakita niya kami e. Dali-dali nga siyang bumalik ng kwarto niya... Yieee...Ang cute niya grabe!"


Okay. Minamanyak na nila si Kuya. -___-


"Atsaka, grabe! Ang laki pala talaga ng bahay niyo!" amazed na sabi ni Zoe.


"Teka nga, ang aga aga e! Ano ba ang pinunta niyo dito?" I asked. Sabay naman silang nag-pout.


"Ayaw mo bang nandito kami?" —Kate.


"What I mean is... ano bang meron at pinuntahan niyo ko?"

 

"Nag-promise kami sayo na babawi kami diba? Wala kasi kami nung pinag-tripan ka sa school. That's why we're here."

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now