Chapter 47 -A Brother's Revenge-

98 3 0
                                    

CHAPTER 47 –A BROTHER's REVENGE-

*******

Sofia's POV

Bumisita ako kanina sa hospital at ang naabutan ko lang dun ay si Liam at si Tita Nerissa na nagpapahinga. Tinawagan ko si Icen bago ako pumunta ng hospital pero hindi siya sumasagot kaya inakala kong busy siya sa pag aalaga ng Mommy niya pero pagating ko dito ay umalis daw ito at pumunta sa kaibigan. Tinanong ko isa isa ang SD pero hindi naman daw pumunta sa kanila si Icen.

"Sofia... kanina pa 'ko nahihilo sayo. Pwede bang umupo ka muna? Tss." reklamo ni Kuya. Nandito kasi kaming dalawa ngayon sa sala, nakaupo siya sa sofa habang ako ay palakad-lakad at walang tigil sa pag-contact kay Icen.

"Kuya, kanina ko pa kasi kino-contact si Icen pero hindi siya sumasagot. Eh hindi naman ganun yun e. Isang tawag ko lang dun, sasagot agad yun kahit pa may ginagawa siya." nag aalalang sagot ko kay kuya. Di ko alam pero kinakabahan talaga ako. Nasan na ba kasi yun?

"Maybe you're just paranoid. Nasa paligid lang yun, calm yourself."

Umupo ako sa kabilang sofa pero titig na titig lang ako sa cellphone ko dahil umaasa akong magtetext man lang sa akin si Icen. Ilang oras pa ang lumipas ay wala pa rin akong natanggap na kahit isang message man lang sa kanya. Pilit kong inaalis sa isip ko ang masamang kutob ko pero kainis lang! Napapailing na lang si kuya sa akin dahil sa hindi na rin ako mapakali sa inuupuan ko. Kaninang tanghali pa siya hindi tumatawag e alas-otso na ng gabi. Pinindot ko ulit yung cellphone ko at denial ang number ni Icen ng biglang may nag-door bell.

"Ako na." prisinta ni kuya na agad tumayo at lumabas. Hindi ko na pinansin si kuya maging yung taong nag doorbell kung sino man siya dahil nakatutok lang ako sa cellphone ko. Tinext ko si Liam at lahat sila ay nag aalala na rin dahil kahit sila ay hindi rin ma-contact si Icen.

"Sofia."

Mabilis pa sa segundong nilingon ko ang bumanggit sa pangalan ko at mabilis akong tumakbo palapit sa kanya pero imbes na yakapin ko siya at hinampas ko lang siya ng hinampas. Hindi ko na rin napigil ang luha ko dala na rin ng sobrang pag-aalala. "Saan ka ba nagpunta huh?! Kanina ka pa naming hinahanap! Alalang alala ko sayo!" I said crying.

Natawa lang siya at ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Pinunasan niya ang mga luha ko bago siya nagsalita, "Sorry kung nag-alala ka. I just left my phone somewhere, tinry ko siyang hanapin pero di ko talaga siya makita. Na-misplace ko ata." he said.

"Okay. Sige, given na yang pagkawala ng phone pero... anong nangyari diyan sa mukha mo? Bakit puso pasa at sugat?" I asked. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Akyat muna 'ko sa taas Sofia." singit ni kuya pero di na ko nag-abalang lingunin siya dahil na kay Icen ngayon ang atensiyon ko kaya tinanguan ko na lang siya.

"Icen... magsabi ka ng totoo. Nakipag-away ka na naman ba? Diba nag usap na tayo tungkol dito? I told you not to—"

"Hinarap ko yung... yung taong nanakit sayo nun at yung dahilan ng aksidente ni Mommy." seryosong sagot niya.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya, "Bullshit Icen! Hinarap mo siya ng ikaw lang mag-isa?! Paano kung may nangyaring masama sayo?! Pano kunghindi lang yan ang ginawa niya?! Pano kung—"

"Sssshh. He can't beat me." kampanteng sagot niya.

"Pano ka nakasisiguro, sige nga? Nakuha nga niya 'kong ipakidnap at saktan, yung Mommy mo nga nakuha niyang sagasaan, are you out of your mind?! Dapat ipinaubaya mon a lang sa mga pulis!"

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now