Chapter 32 -Take time to realize-

149 5 0
                                    

CHAPTER 32 –TAKE TIME TO REALIZE-

*******

Sofia's POV

"Sofia, nagseselos ka ba?" ulit niya.

Napalunok ako.

Yung heartbeat ko bumibilis na naman. Pakshet lang, anong ibig sabihin nito?

"Sofia—"

"At bakit ako magseselos, aber?" lakas loob na sabi ko sa kanya ng harapin ko siya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng titigan niya ko sa mata at bigla siyang nag-smirk.

"Then why are you acting like that?"

"Kasi...u-uhm...kasi mukhang...mukhang nakalimutan mong may kasama ka kaya iniwan na kita dun!" I lied. Fvck! What the hell is happening to me?!

"Okay fine. Sabi mo e. Let's go home." sabi niya sa akin tapos inakbayan niya ko bigla pero yung ngiti niya hindi maalis-alis.

*******

"Sofia, weekend bukas. San mo gustong pumunta?" tanong ni Icen habang nanonood ng TV at ako naman ay naghuhugas ng pinagkainan namin.

"I want to stay here." matipid na sagot ko. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung ano tong mga nangyayari sa akin. Kung bakit napapadalas ang pagbilis ng heartbeat ko kapag nasa paligid si Icen. Kung bakit natutuwa ako sa presence niya. Kung bakit naiinis ako kanina na masaya siyang kausap si Valeen. The hell! I'm going crazy! Ano ba 'to!

"Ouch!" automatic akong napasigaw ng mabagsak ko yung plato at nabasag ito. Bigla kasing dumugo ang kamay ko ng sinubukan kong damputin iyon.

"Anong nangyari?" worried na tanong ni Icen na ngayon ay nasa harapan ko na. Kinuha niya agad yung kamay ko na nasugatan at tiningnan iyon pero binawi ko rin agad yun.

"I-I'm okay." sabi ko sa kanya. Feeling ko kasi nakaramdam ako ng kuryente ng hawakan niya yung kamay ko. Gosh. Bakit ba ko nagkakaganito?

"Wait for me here. Kukunin ko lang yung first aid kit." sabi niya tapos tinalikuran na niya ko. Napasandal na lang ako sa sink at napapikit.

This can't be. This feelings... No. Hindi pwede. Kelangan ko muna ng confirmation.

"Tara. Sa sala na kita gagamutin." napadilat ako ng magsalita siya. Nasa harapan ko na pala siya tapos hinawakan na naman niya yung kamay ko.

"Okay lang ako promise." sabi ko ulit.

"Wag ng matigas ang ulo Sofia." seryosong sabi niya. Tiningnan ko lang siya tapos binawi ko ulit yung kamay ko na hawak niya at una na kong naglakad papuntang sala.

Alam kong nagtataka na siya ngayon sa mga ikinikilos ko. Kahit naman ako, nagtataka na rin ako sa sarili ko.

"Tss. Tatanga-tanga kasi." he said without looking at me dahil busy siya sa pagba-band aid ng sugat ko e ang liit liit lang naman ng nasugatan. In just a seconds, I already found myself staring at him. "Ayan, okay na." nakangiting sabi niya tapos tumingin siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"S-salamat." nauutal pa na sabi ko. "S-sige... matutulog na ko." pagkasabi ko nun ay tumayo na ko.

"Sofia..."

Sa pagbanggit niya ng pangalan ko ay muling bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-bakit?" I asked.

Ngumiti muna siya atsaka niya sinabing, "Goodnight."

"Goodnight din." di makatinging sagot ko sa kanya atsaka ako nagmadaling pumasok ng kuwarto.

It Lasted Forever and Ended So Soon [COMPLETED]Where stories live. Discover now