ONE

456 13 0
                                    

"Umuulan," naiinis kung singhal kay Elle na nasa kabilang linya.

Chinat ko kasi kaso tagal mag-reply amputa, iba talaga kapag feeling famous. Ay este famous.

Famous pala talaga siya, si Ate Yaz lang ang hindi at talagang walang pake sa social life.

Samantalang ako tamang chill lang sa gilid.

Tangina! Tila minalas ako ngayon.

"Sinabihan na kasi magdala ng payong eh. Hero ka girl?" Tila nang aasar nito na sabi.

"Isa pa, pinaalalahanan na tayo sa balita na may posibilidad na uulan. Hindi ka water proof te, wag ka riyan feeling strong." Dugtong pa nito dahilan para mas mainis ako.

Akala ko naman kasi ay makakasabay ko siya since same school kami kaso hindi pala, dapat talaga sumabay na ako kay Jane at Nics.

Edi sana nasa bahay na 'ko. Buwisit! Kainis.

"Mireille, I don't have fucking time sa lecture mo. Ano ba kasi gagawin mo at hindi kita makakasabay?" Naiinis kung sabi.

Nasa waiting shed ako ng labas ng school kasama ang mga students katulad kung walang dalang payong at umaasa na titila ang ulan.

Kahit sana man lang humina.

Dala ko kasi yung ipapasa ko bukas na project, buwisit kasi yung prof namin umabsent pa kung kailan may bagyo.

Tapos hindi man lang suspended klase sa college, grabe akala siguro nila water proof kami.

"May practice kami ate, gagabihin na rin ako ng uwi kaya kung ako sa'yo maghanap ka ng puwede mo makasabay. Wag ka na maarte ate, minsan magpakumbaba ka. O kaya hintayin mo na lang ako baka malay mo humina na yung ulan."

No way! Uwing uwi na nga ako tapos hihintayin ko pa talaga. Ano siya special? Uror.

"Kilala mo ako Elle, alam mo naman hindi mahaba ang pasensiya ko katulad ni Ate Yaz. Hindi rin ako mapagkumbaba tapos friendly kagaya mo at lalong hindi ako gano'n ka bait na parang anghel katulad ni Ven kaya alam mo na sarili ko lang aasahan ko ngayon gipit ako. Wala akong napala sa'yo. Pahiram na lang kasi ng payong." Sabi ko bigla.

"Wala akong magagamit te,"

"Humiram ka,"

"Wow!? Nagdala nga ako kasi ayaw ko manghiram. Bahala ka riyan. Bye." Sabi nito saka ako pinatayan.

Wala na yung mga kaibigan ko may mga sundo kaya nahihiya ako sumabay, like duh! Ayoko maging third wheel. Noon pa man sinasabihan na nila ako na magjowa raw dahil marami naman daw nagbalak manligaw pero wala naman nagtagumpay.

Sabi ko ayaw ko talaga sa commitment.

Kahit nung panahon pa nirereto nila ako kung kani kanino ay wala rin. Failed talaga.

Hindi talaga ako nainggit sa kanila na may mga jowa. Okay na ako sa landiian na walang label. At least kapag ghinost oks lang, wala naman label kaya bawal magreklamo. Ginusto ko kaya pagdusahan ko rin.

I don't regrets my decision. As long as masaya ako sa gano'n klase ng set up.

"Hatid na kita," sabi ni Kaiser, dati kung kalandiaan na umamin na
na-fall pero ligwak kasi hindi ko sinalo pero ayos na kami.

"Gago ayos lang dude, ayaw ko naman mangyari ulit yung nakaraan." Sabi ko sa kaniya.

Sa chat lang kami naglalandiaan tapos all of sudden malalaman ko na fall, aba ibang klase ata 'tong lalaki na 'to.

"Naka move on na 'ko tanga," sabi nito kaya nahampas ko siya sa braso.

"Nag iingat lang ako syempre, mas maganda na yung sigurado." Sabi ko rito.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon