TWENTY THREE

89 8 0
                                    

"Grabe ka na talaga Lord. Awit! Makakapanood pa ako ng live show ng proposal. Sana all, pasintabi sa mga single." Sabi ni Alicia habang natatawa naglakad palapit sa amin.

"Ano ba ginagawa mo? Nababaliw ka na talaga." Sabi ko pa saka bumaba sa sasakyan para maglakad palapit kay Cejay na nakaluhod.

"Tigilan mo na yan," sabi ko saka siya pinipilit na patayuin na ginawa niya rin.

Hindi ako nito matiis, akala siguro nagtatampo ako sa kaniya.

"Imbes ako ang sinusuyo mo, ako pa 'tong nanunuyo sa'yo. Grabehan talaga, madaya." Sabi nito habang napapailing.

"Maling mali," dugtong pa nito kaya napangiti ako.

"Sorry," sabi ko rito saka siya niyakap.

"Ehem, pasintabi naman sa mga single. Aba! Harap harapan talaga. Ayan na te, binabawi ko na yung pahatid ko sa'yo. May bebe ka naman maghahatid sa'yo kaya sige ipapaubaya ko na sa kaniya ang hatid. Maging maligaya sana kayo." Sabi ni Lianne sabay lapag ng pinamili ko.

"Ako rin, ayaw ko manood. Baka mahiya kayo kaya ako na mag a-adjust. Stay in love guys." Sabi ni Alicia saka naglakad palayo habang si Lianne ay nilapitan ko para makapagpasalamat.

"Thank you be, love you." Sabi ko saka siya niyakap.

"Sa uulitin ulit, basta yung secret natin ha? Behave ka lang, love you too." Sabi nito saka ako bineso at kumaway.

"Tara," sabi ko rito.

"Bakit hindi ka man lang sinamahan, sorry ha? Hindi kita nasamahan." Sabi nito sa akin kaya napailing ako.

"Okay lang, ano ka ba. Hindi naman big deal yun, atsaka kaya ko na yan. May paa at kamay ako tapos may isip din naman ako isa pa may tricycle o kaya jeep na puwede sakyan. Taga rito ata ako kabisado ko 'to." Sabi ko rito habang pinapasok niya ang pinamili ko.

"Next time magsabi ka para alam ko," sabi nito saka ako hinalikan sa noo.

How sweet.

"Wag ka na nga riyan OA babe, it's okay. Hindi naman ako bata para kailangan pa samahan duh." Sabi ko rito saka siya hinawakan sa dalawa nitong kamay.

Naalala ko yung second encounter namin sa National Book Store, that's was supposed to be my bad day. Sobrang badtrip ko sa kaniya, pati sa ulan at teacher ko. Grabe!

Past is past okay.

"Baby kita kaya gusto ko samahan ka. Naalala ko hindi ka mahilig magpasama. Ikaw lang ata yung babae na nakilala ko na hindi mahilig magpasama. Seryoso? Paano mo nagagawa yun." Sabi nito na tila namamangha sa akin.

Hindi naman yun talent para hangahan. Sanayan lang yan kasi at the end of the day, sarili mo lang aasahan kaya habang maaga pa sanayin mo na mag isa.

Baka bukas o makalawa iwan mo 'ko ayaw ko lang sanayin sarili ko at magpakampante.

"About kay Alicia--"

"Co-incidence lang siguro na pinagtagpo tayo," pagputol ko sa sasabihin nito.

"Babe, I'm sorry. Alam ko naman na alam mo na yun pero gusto ko pa rin sabihin sa'yo." Sabi nito sa akin sabay hawak sa kamay ko dahil balak ko na sumakay.

"Magkababata kami, childhood atsaka isa pa yung feelings niya sa akin nag-fade na siguro matagal na yun. Ilang years na yun atsaka kung naging kami man baka puppy love lang hindi naman siguro kami seryoso. Sorry babe, sinamahan ko lang siya kasi na-miss niya ako. Nagkataon lang na nasa iisang area kami kaya inaya ko na lang kumain kasi sabi mo hindi mo ako masasamahan dahil may i-me-meet ka. Ayaw ko lang palakihin pa yung issue kahit ang totoo nagseselos ako kahit wala naman nakakaselos, wala natatakot lang kasi ako maiwan o kaya ipagpalit kasi alam ko naman babalik yung mga ex mo kasi worth it ka kahit mapanakit ka." Sabi nito kaya napatulala lang ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now