TWENTY

109 9 0
                                    

"Ma, Pa, Elle at Ven si Cejay po pala boyfriend ko," pagpapakilala ko dahilan para higpitan ni Cejay ang paghawak sa kamay ko.

Gago kinakabahan pa pala siya. Akala ko matapang, wala mahina 'to sa meet and greet.

"Legit ba yan? Baka it's a prank." Sabi ni Elle kaya binato ko ng papel na nakalagay sa lamesa.

"Tangina ni ate parang tanga," sabi ni Elle kaya natawa si Ven.

"Ako naguguluhan sa'yo anak, akala ko ba ayaw mo makipagrelasyon. Alam mo naman sinusuportahan kita sa kalandian na ginagawa mo kasi sabi mo masaya ka kahit alam mo sa sarili mo na mali yun. Sinabi mo sa akin na hindi mo siya nobyo at wala ka plano. Anong nangyari Ysabella?" Sabi ni Mama kaya nagkatinginan kami ni Cejay saka ko tiningnan si Mama habang nakangiti.

Kabahan ka na kasi Ysabella na tawag sa akin. Jusko ko Lord, send help po.

Ito na yung feeling na nasa hot seat ka. Gosh! Next time hindi na ako magsasalita ng tapos, pinapahamak ako nito.

"Ma, ikalma mo puso mo. Alam ko, mali yun. Mali ako sa part na nagsalita ako ng tapos. Lagi niyo pinapaalala sa akin na mag iingat ako sa mga salita na sinasabi ko kasi baka makain ko rin yun which is nangyari nga po. Alam ko Ma na suportado niyo 'ko. Pero kasi Ma, Pa, mahal ko po kasi si Cejay at ayoko lang po mapunta siya sa iba. Opo, alam ko po na inaasahan niyo akong magjowa after ko gumraduate kasi ayaw niyo matulad ako kay ate Yaz. Wala naman po siguro masama kung bawiin ko yung sinabi ko." Naiiyak kung sabi kaya nilapitan ako ni Mama saka ako nito niyakap dahilan para mas lalo akong maiyak.

"Anak, malaki tiwala ko sa inyo. Hindi ko kayo pinagbabawalan na magjowa kasi alam kung nag aaral kayo ng mabuti. Kung saan ka masaya susuportahan ka namin pero sana i-balance mo. Gusto ko kayo makita masaya pero hindi umiiyak dahil maling tao yun. You all deserve to be loved." Sabi ni Mama saka ako hinalikan.

"Hanggad lang namin ang maging masaya kayo, alam kasi namin na kaya niyo. Naniniwala kami sa kakayahan niyo at may tiwala kami sa inyo. Kaya asahan mo hanggang sa huli susuportahan ka namin. Kung ano pa man ang maging desisyon mo ay tatanggapin namin." Sabi ni Papa kaya niyakap ko siya.

Napahagulgol na lang ako. Akala ko habang buhay na lang akong matatakot. May isa pala talaga taong magpapa-realize sa atin sa mga bagay na takot tayong subukan isa na roon ang magmahal.

"Ate, dalaga ka na." Sabi ni Elle kaya kinutusan ko.

"Ate Elle talaga, epekto yan ng na-ghost." Sabi ni Ven kaya tinarayan siya ni Elle.

"Anong ghost?" Sabi ni Mama.

"Millenials lang po ang nakakaalam, hayaan niyo po at maganda naman si Ate Elle makakahanap din siya." Natatawang sabi ni Ven kaya sinabunutan siya nito.

"Tigilan mo 'ko Ven ha? Kapag ikaw na-fall tapos hindi sinalo hindi kita ico-comfort makita mo talaga." Sabi ni Elle.

Pikon na 'tong si Elle.

"Graduate na si Ate Yaz at Ate Ven kaya puwede ako lumapit sa kanila," sabi ni Ven kaya natatawa akong tumango.

"Sige lang," sabi ko kaya naman naghabulan na sila.

Inakbayan ako nito kaya humawak ako sa bewang nito.

"Ikaw na bahala sa anak ko," sabi ni Papa kaya tumango si Cejay.

"Hindi po ako mangangako kasi alam kung may mga pangako na napapako, asahan niyo lang po na mamahalin ko ang anak niyo, iingatan, aalagaan at walang sawa ko siya papasayahin. Hindi ko masasabi na hindi siya iiyak pero sisiguraduhin ko po na kung iiyak man po siya iyon ay sa saya." Sabi nito kaya napangiti ako sa kaniya.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now