TWENTY FIVE

86 8 0
                                    

"Dai, what happen?" Tanong ni Jane pagkapasok ko ng room.

The whole night puro lang ako iyak asking myself what's wrong with me? Nakaka-stress talaga as in.

"Puyat ka dai, you okay?" Sabi ni Nics saka ako nilapitan.

"Suklayin kita dai, messy ng buhok mo." Sabi nito kaya tumango lang ako.

"Let me do a make over, I think you need it." Sabi ni Jane pero hindi na ako kumibo.

"Ysabella..." Sabi ni Jane sa akin habang nilalagyan ako ng pulbo.

"Walang mali sa'yo, tanggalin mo yung mindset na kaya tayo iniiwan kasi never tayo naging enough o hindi tayo better hindi yun gano'n. May mga tao lang talaga na hindi natin deserve kaya nilalayo sa atin, you will understand it as time goes by." Sabi ni Jane kaya naiyak ako.

"Okay lang yan, iiyak mo yan kung diyan mapapagaan ang loob mo. Nandito lang kami para samahan ka. Wala ka pa man naikukuwento alam na namin sa post mo pa lang. Kapag kaya mo na sabihin mo lang sa amin willing kami makinig." Sabi ni Nics kaya mas naiiyak ako.

Bakit sa kabila ng pagiging mataray at pagiging moody ko may mga ganito pa rin na tao sa tabi ko. May tao pa rin tanggap ugali ko at nanatili sa tabi ko.

"Thank you Nics and Jane, solid." Sabi ko rito kaya hinampas nila ako sa braso kabilaan sila.

"Sasamahan ka namin mamaya sa lunch para hindi mo siya maisip. Simula ngayon sasamahan ka na namin puwera lang sa uwian kasi magkasama kayo ni Elle. Aba! Pakiingatan puso mo, wala sa ating pmarupok." Sabi ni Jane kaya natawa na lang ako.

"Ewan ko sa inyo," pagtataray ko kaya nakatanggap ako ng sabunot.

"Nagtataray ang isang Ysabella, real quick mag-move on. Aba sana all." Sabi ni Nics kaya pinakyuhan ko sila.

"Basic," sabi ko rito kaya tawang tawa sila.

Sakto naman ang pagdating ng prof namin kaya tahimik kami nakikinig.

Sa totoo lang hindi pa naman talaga ako nakaka-move on pero syempre ayaw ko naman maglugmok dahil sa naiwan ako wala naman magagawa ang pag iyak at paghahabol ko. Hintayin ko siya magpaliwanag malay mo may mas malalim pa siyang dahilan.

"Ms. Montivilla," gulat ako ng tawagin ang surname ko.

"Po?" Sabi ko saka mabilis na tumayo.

Did I miss something? Jusme, naiisip ko pa rin siya hanggang dito ba naman ako ayaw ako tantanan. Buwisit!

"Gusto mo ba sumali sa isang quiz bee? Ikaw ang gusto nila mag-represent sa quiz bee." Sabi ni Ma'am kaya napakunot ako ng noo.

Paladesisyon masyado 'tong mga kaklase ko. Leche.

"Kapag ba hindi ako pumayag ay ayos lang?" Sabi ko saka umupo.

"Sure win kasi kapag ikaw, biruin mo blessing ka masyado. I mean blessing ka sa ganda at talino. Edi sana all." Sabi ni Gerald isa sa mga may itsura sa klase pero never ko naging type.

Guwapo pero hindi ko siya bet landiin, halos tropa kami niyan.

"Ipahiram ko muna utak ko tapos kayo mag-represent ano? Sinong may gusto? Exchange brain." Sabi ko kaya natawa sila gano'n din si Ma'am.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now