FOUR

137 10 0
                                    

"Ikaw talaga sis ha? Wala ka man lang nabanggit sa amin na may jowa ka pala na taga kabilang school." Iyon ang bungad sa akin ni Jane pagkapasok ko sa room.

"Para saan pa kung may social media naman girl," sabi ko rito saka umupo.

Pinapalagitnaan nila ako ni Nics kasi parehas sila madaldal habang ako hindi gaano, isa pa ako source nila kaya need sa gitna ako.

Tamad lang kasi 'tong mga 'to mag aral pero alam ko matatalino. Kung kailan naging college saka naman tinamad.

"Infairness girl, gwapings tapos may abs. Galing mamili." Sabi ni Nics.

"Ako pa ba, knows niyo naman na may taste ako." Pagsakay ko sa trip nila.

"Pero maiba nga ako, siya ba yung lalaki na nagsundo sa'yo kahapon?" Sabi ni Nics kaya natahimik ako.

Nakita niya si Cejay? Grabe naman siya. Umuulan at madilim na lahat lahat napansin pa niya na kami yun. Grabe naman 'tong babae na 'to.

"How do you know?" Nagtataka kung tanong.

"Bumalik kasi kami rito ni Jack para i-check kung dito ko ba naiwan sa school yung project na ipapasa kaya sinabihan ko na balik kami tapos nakita kita. Nung una hindi kita makilala kaso napansin ko yung tindig at katawan mo kahit malayo ka sa amin. Magkakabata tayo kaya kahit malayo ka alam ko na ikaw yun. Na-confirm ko lang nung nag set na ng in a relationship sa'yo. Sikat kaya malamang makikilala ka nila." Sabi nito kaya napatango ako.

"Hanep, sige ikaw na malinaw mata sa amin. Lumabo sana yan." Sabi ni Jane since malabo ng mata niya.

"Hayaan mo na yun, balang araw malalaman niyo rin ang katotoohanan. Sa ngayon secret muna." Sabi ko sa kanila saka ako yumuko.

"Hoy ang daya mo may pa secret secret ka pa talaga na nalalaman kainis." Sabi ni Nics habang niyuyogyog ako.

Hindi ko pa rin sila pinansin. Oks lang na saktan nila ako kaysa sigawan nila ako dahil sa katangahan ko.

Katangahan na pumayag ako sa isang kasunduan na in the first place may choice naman ako na umayaw.

Kung hindi kaya ako nagpauto may other choice naman siguro siya. Ewan ko ba, bakit gano'n na lang ang pag sang ayon ko. Like, parang may something sa kaniya na need ko malaman asap.

Ano ba kasi yun? Hindi ko agad ma-figure out?

My gosh Cejay. Mysterious type ka ata.

"Si Ma'am nandiyan na girl," sabi ni Jane kaya napaayos ako ng upo.

"May quiz pala tayo riyan," sabi ko sa kanila.

I forgot to scan my notes, although nakikinig ako kaso need ko pa rin mag-review para magsilbi ko siyang recap sa lesson. Gosh! Bakit ba kasi ayaw ako patahimikin ng punyetang Cejay Ramirez na yan. Bakit ba iba ang epekto niya sa akin.

Ginayuma ba niya ako?

"I'll give you 20 minutes to review and your time start now." Sabi ng prof kaya agad kung kinuha ang notebook ko para
mag-review masyado kasi natuon ang atensyon at oras ko sa paggawa ng lintek na project. Buti na lang talaga absent pa rin si Ma'am may oras pa ako to finish it since hindi pa ako tapos.

"Times up, keep all your notes. Ilagay sa bag." Sabi nito kaya nilapag ko sa bag ko ang notebook ko.

"Piste, mababa na naman ako." Sabi ni Jane kaya natawa ako.

"Shhh, wag kayo maingay." Suway ko sa kanila dahil tahimik na ang bawat isa sa amin kaya naman tumango sila.

Nag umpisa ng exam kaya nag-focus na lang ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now