SIXTEEN

93 10 0
                                    

"Good evening po," nakangiti kung bati.

"I want you to meet--" pinutol ko ang sinabi nito ng ako na mismo nagpakilala sa sarili ko.

"Ysabella po, ex fling po." Pagpapakilala ko pagdating namin sa venue kung saan sila mag-fa-family dinner.

"What?" Sabi ng mama nito na tila nagtataka.

"Ex fling," pagdiin ko.

Prangka akong tao sinasabi ko yung totoo kahit alam kung awkward siya.

"Hija, ex fling? What is it? I don't get it." Sabi nito sa akin na nakakunot ang noo.

Napabuntong hininga na lang ako para habahan ang pasensiya ko.

Nginitian ko 'to.

"Mom, ex fling is kalandian. Ibig po sabihin ex kalandian po nila ang isa't isa. Hindi po naging sila." Sabi ng isang babae na tingin ko ate ni Paul.

"Pauline nga pala, ate ko." Bulong sa akin ni Paul kaya tumango ako.

"Okay, I get it. Upo na kayo." Sabi nito kaya pinaghila ako ng upuan ni Paul kaya umupo kaagad siya katabi ko.

"Bakit gano'n yung klase ng set up niyo?" Tila nagtatakang tanong sa akin ng Daddy nito.

"I don't want to commit a relationship, lumalandi lang po ako pero wala pa po akong nagiging jowa as in. May nanligaw pero hindi ko po inetertain. Edi kung true love yun hihintayin nila ako, edi kung hindi edi hindi. Gano'n siguro talaga." Sabi ko sa kanila.

Ready naman na ako, tamang tao na lang kulang.

"Ayaw mo subukan?" Tanong naman ng ate.

"Hmm, ayaw ko. Siguro kapag ready na ako masaktan. Handa naman talaga ako kaso hindi pa ngayon." Sabi ko sa kanila.

Ano raw? Gulo ko. Hindi handa pero handa, wews.

"Wala pa rin jowa yan si Paul, balak mo ata mag pari bro." Sabi ng ate nito kaya natawa ako.

Hindi nakasagot si Paul dahil dumating na yung inorder nila.

"Hindi naman gano'n yun, I'm waiting for the right person. Naniniwala ako sa tamang tao sa tamang panahon." Sabi nito saka ako tiningnan pero nagkibit balikat lang ako.

Nagsimula na ako kumain kaya hindi na nila ako dinaldal pa. Sila na lang ang nag usap kasi tinatamad na ako makipag usap kaya kumain na lang ako habang nakikinig.

Natigil ako sa pagkain ng marinig ang pamilyar na pangalan.

"Kamusta na nga pala si Cejay, hindi na ata dumadalaw yun." Sabi ng ate nito.

"Excuse me po, Cejay?" Nagtataka kung sabi.

"Yes, Cejay Ramirez." Sabi ng ate kaya napatingin ako kay Paul na hindi kumibo.

"What about him po?"

"Childhood friend yun ni Paul, I don't know what happen kasi all of sudden bigla na lang hindi sila nagkakasama. Wala naman sinasabi si Paul, so... we remain silent." Sabi nito kaya napatingin ulit ako pero deadma pa rin si Paul kaya pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Excuse me, punta lang po ako sa rest room." Sabi ko saka tumayo.

"Samahan na kita," sabi ni ate na akmang tatayo na pero pinigilan ko.

"Hindi na po, I can handle this na po. I'll ask where is the rest room po. Thanks." Sabi ko saka nagpaalam at naglakad palapit sa waitress.

Sinamahan pa ako ng waitress papunta sa rest room.

"Thank you po," magalang kung sabi since may katandaan siya sa akin.

"Welcome po Ma'am," sabi nito kaya tumango ako saka pumasok sa loob.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now