TWENTY FOUR

92 8 0
                                    

"Himala ata ate na nandito ka," sabi sa akin ni Elle na kakarating lang.

Sobrang tambak kasi ng school work ko dahil final na namin kailangan ko muna 'to unahin bago ako magpakasaya gano'n din naman kasi si Cejay kaya pass muna sa bebe time. Study time muna.

"Nakikita mo naman gaano katambak school works ko, kailangan ko muna 'to tapusin bago ako humarot. Lalandi na nasa dean lister pa rin." Sabi ko rito kaya natawa siya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta? Mukhang may improvement sa inyo nung idol mo." Sabi ko rito.

"Madalas ko lang nakaka-chat, sarap sa pakiramdam. Sabi nito kaya napailing ako.

"Know your limits baka mamaya hindi mo namamalayan na na-fall ka, normalize being fan girl pero hindi sa punto na mamahalin mo siya. Paalala 'to ng isang expert na maraming naka flings." Sabi ko rito kaya natawa siya.

"Iba talaga kapag in love, aba humahabol ka ata Ate Yla. Edi kayo na ni Ate Yaz ang nasa stable na relasyon. Walang forever." Sabi nito saka naglakad paalis kaya hindi ko na siya nabato ng unan.

Natambakan ako ng gawain, inaya ako ni Cejay sa Mall pero tumanggi ako since malapit na deadline baka makahalata na si Mama at Papa at masermonan niya 'ko.

Isa pa kaibigan niya naman kasama niya palagi kaya ayos lang. Hindi naman ako strict na jowa, hinahayaan ko siya sa bagay na gusto niya as long alam ko at sinasabi niya sa akin. Thankful ako kasi hindi ko pa tinanong sinasabi niya na agad sa akin kaya gano'n din ako sa kaniya. Give and take lang para solid relationship.

"Akala ko hindi kita maabutan dito anak," sabi ni Papa kaya tiningnan ko siya.

Grabe sila sa akin, napapaghalataan na pinagtutulungan nila 'ko.

"Grabe yun Pa," nagtatampo kung sabi.

"Madalas kasi kita hindi naabutan, limitahan mo ang bagay anak ha? Magtira ka para sa sarili mo. Baka mamaya nakalimutan mo na magtira para sa sarili mo. Gusto lang kita ingatan." Sabi ni Papa saka ako hinalikan sa noo.

How sweet.

"Alam ko po yun Pa, thanks po sa reminder. Noted po yan. Isa pa po Pa hindi pa po road to kasalan 'to. Puwede pa po magbago o mag iba depende sa feelings o sitwasyon. Don't worry po at I will take care of myself. Love you po Papa." Sabi ko saka siya hinalikan sa pisnge.

"Kung puwede lang kayo bumalik sa pagkabata gusto ko na lang ulit kayo maging bata." Sabi ni Papa na mukhang naging emosyonal.

"Ayaw niyo ba tulungan namin kayo? Kapag tapos na po kami sa pag aaral kami naman po ang mag aalaga sa inyo. Bayad sa walang sawa niyong pagmamahal at pag aaruga sa amin. Never po nababayaran ng pera ang sakripisyo at pagmamahal ng isang magulang." Sabi ko rito.

Isa sa pinakamahirap na bayaran ay ang utang na loob. Hindi yan matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.

"Mag aasawa na kayo, main priority niyo na yun." Sabi ni Mama na kararating lang kaya naiyak ako.

"Ma, Pa wala naman ganyanan, kainis kayo. Hindi naman po dahil may pamilya na kami makakalimot kami, hindi po yun gano'n. Kasama pa rin namin kayo kasi hindi pa kami gano'n ka handa. Wag niyo muna kami iwan agad, magpalakas pa po kayo please..." Pakiusap ko kaya niyakap nila 'ko.

"Gusto namin makita kayong masaya bago namin kayo iwan, kaya niyo naman talaga natatakot lang kayo. Sa mga susunod na araw alam ko at naniniwala kami na makakaya niyo kahit wala kami." Sabi ni Mama dahilan para mas lalo akong maiyak.

Kung puwede lang sana hilingin kay Lord na habang buhay na lang sila nasa tabi naman ay hihilingin ko na as of this moment.

Masuklian lang namin kayo Ma at Pa ayos na kami.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now