TWENTY-EIGHT

100 8 0
                                    

"Uy," bati sa akin kaya naman nabitawan ko ang hawak kung snacks.

"Hi," bati ko saka dinampot ang mga snacks na nahulog.

It's Monica.

"Kumusta na? Parang may nagbago ata sa'yo." Sabi nito sa akin kaya natawa ako.

"Mayroon ba? Wala akong napansin. Glow up daw sabi nila gano'n daw nagagawa ng break up." Sabi ko saka pinagpatuloy ang pamimili.

"Wala ka na balita kay Cejay?" Pag open nito sa topic kaya napailing ako.

"Wala na eh kayo ba? Naka-graduate ba siya?" Sabi ko rito.

"Yep, naghabol ng requirments at sa awa ng Diyos naka-graduate naman siya. Buti na lang talaga at naisipan pa sumulpot pero walang sinabi o kinuwento pero we still friends." Sabi nito kaya napatango ako.

At least kampante ako na may magiging magandang future yung pamilya niya kahit paano.

"Maiba nga ako ikaw ba kumusta lovelife mo?" Tanong nito.

"Wala akong gano'n dai, auto pass muna." Natatawa kung sabi.

"Nagbabagong buhay ka?"

"Hindi baliw, gusto ko muna magpahinga nakakapagod rin kasi eh." Sabi ko rito.

Totoo naman kasi na nakakapagod kaya tigilan ko muna. Give chance to other thing, like discover new things.

"Hindi naman sila mauubos kaya pause muna for a while. How about you?"

"Wala pa rin, wala ata 'tong taglay na kalandian." Sabi nito kaya naman inirapan ko siya.

"Mamaya mauna ka pa sa akin mabuntis,"

"Di mo sure,"

"Scam Monica, may ilan sa mga kaklase ko noong highschool na matatalino at matino pero ngayon may mga anak na at may sarili na pamilya kaya wag tayo magsalita ng tapos kasi baka makain din natin yun. Ayoko na lang mag-talk." Sabi ko kaya natawa na lang 'to.

"May gusto rin pala ako sabihin sa'yo Ysa nung nakaraan kasi nagpunta kami kay Tita which is Mama ni Cejay nabanggit nito sa amin na lumuwas ng Maynila si Cejay gano'n din si Alicia pero ang balita ay pinalaglag daw yung baby ni Alicia kasi na-stress siya ewan ko. Hindi ko sure kasi si Tita lang source ko, wala akong matibay na ebidensya at ang conclusion ng Mama ni Cejay ay kaya niya pinalaglag yung baby ay dahil sa iyo I mean dahil ayaw niya siguro maghiwalay kayo ni Cejay at alam nito na mali yung ginawa niya." Sabi nito kaya nabitawan ko ang hawak kung basket.

"Tanga ba siya!? Bakit niya dinamay yung bata na wala naman kasalanan. Oo naiinis ako sa kaniya pero noon yun hindi na ngayon, tinanggap ko na rin na wala na kami ni Cejay kaya nga nagbabagong buhay ako para sa healthy na present. Bakit ginawa na naman niya kumplikado ang sitwasyon? My gosh! Alicia putangina mo." Naiinis kung singhal kaya naman dinampot nito ang mga pinamili ko.

"Wag ka maingay gaga tapusin muna 'to saka na tayo mag usap." Sabi nito sa akin saka hinila ang kamay ko paalis.

Jusko po, nawalan na ako ng gana mamili. Gusto ko pa naman mag-enjoy tapos all of sudden magiging ganito ang kalalabasan.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now