TWELVE

112 9 0
                                    

"Tuwing date sagot mo, kapag naman lunch break na nagkakasabay tayo. KKB." Sabi ko rito.

Nag-chat sa gc si Pres na wala si Ma'am kaya vacant kami ng 2 hours since 2 hours siya sa amin kaya heto napagdesisyunan namin tumambay muna rito sa 7/11. Nagkataon din na vacant ni Cejay ng isang oras kaya we ended up talking while eating again.

"Kailan mo ako ililibre?" Sabi nito sa akin.

"Tungek, kanina nilibre kita. Ah may naisip na 'ko, treat kita sa triple date natin sa sabado or linggo basta treat kita. Sagot ko date natin." Sabi ko rito.

Naalala ko may inipon pala akong pera na dapat sana ipambabayad ko sa tour kaso hindi na ako tumuloy kasi that time sinugod sa Hospital si Papa kasi hinimatay kaya hindi ko sila maiwan, mas mahalaga naman sila kaysa sa grades ko. Puwede ko naman yun bawiin pero ang magulang nag iisa, hindi nababawi.

"Sige, grabe. Ganyan ka talaga? Ikaw lang yung babae na akala mo mag-tropa lang tayo. Siguro kahit totoo 'to baka hindi ka rin magpalibre. Ibang klase ka talaga." Sabi nito sa akin kaya natawa ako.

"Ayoko kasi masanay sa libre, mahilig lang ako magsabi ng libre mo 'ko pero nahihiya na ako sa personal. Ikaw kasi galante palibhasa rich kid. Ako kasi alam ko ang salitang pagtitipid iyon ang pinagkaiba natin tandaan mo yan." Sabi ko sa kaniya saka siya pinitik.

"Ayan baka magising ka sa katotohanan," dugtong ko pa.

"Magising sa katotohanan na matatapos na tayo sa pagpapanggap," sabi nito habang seryosong nakatingin sa akin.

"Cejay tigilan mo 'ko, hindi ako natutuwa." Sabi ko saka siya inirapan.

Iniiwasan ko na yung topic na yan tapos  i-o-open up niya pa. Alam ko naman ang hangganan wag mo naman ipamukha sa akin di ba?

Buwisit na lalaki 'to.

"Dalian mo naman kumain, daig mo ako. Ikaw ata babae sa ating dalawa eh." Sabi ko rito kaya natawa siya.

Dahil tinatamad ako panoorin siya kumain napagdesisyunan ko na lang mag scroll sa facebook, sakto naman na i-o-open ko yung gc namin tatlo ng tumawag si Jane sa messenger.

"Hello," sabi ko sa kanila saka sila kinawayan.

"Sinong kasama mo kumain? Nandito kami sa court nanonood ng practice ng basketball. Tinanong ka sa amin ni Elle if nasaan ka raw." Sabi ni Nics.

Halata na nasa court sila naririnig ko yung pagpito.

"Uwian na ba nila? Iiwan niya ako for sure. Paladesisyon yun." Sabi ko dahilan para matawa sila.

"Kasama niya tatlo nitong kaibigan," sabi ni Jane.

Sabi na nga ba kasama niya kumain mga yun, single yung mga yun kung hindi ako nagkakamali.

"I'm with Cejay," sabi ko saka pinakita si Cejay na umiinom ng tubig.

Sa wakas natapos din.

"Hello girls," sabi nito saka kumaway sabay ngiti.

"Hoy, gumaguwapo ka ata. Gagi, iba mag alaga ang isang Ysabella Montivilla." Sabi ni Jane kaya napailing ako.

Gago baka dahil may skin care routine kaya makinis at guwapo. Hindi naman ako magsisinungaling sa part na guwapo siya. Totoo naman kasi walang halong ka-plastikan.

"Iba mag alaga 'tong kaibigan niyo, masarap talaga." Sabi pa nito kaya binato ko sa kaniya ang walang laman na bote ng battled mineral water.

Siraulo masyado, iba na meaning sa utak ko nung sinasabi niya. Gosh! Bakit ganyan ka mag isip self? Green minded amp*ta.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora