TWENTY SEVEN

104 7 0
                                    

"Kape?" Alok sa akin kaya naman tiningnan ko 'to saka siya tiningnan.

Nandito ulit ako sa 7/11 para tumambay. Magmuni muni sa kaganapan. It's been 1 week since Alicia, Cejay and I are talk. Wala na akong balita kay Cejay since I'm into move on stage, baka kasi mahirapan ako if iisipin ko pa siya kaya hangga't maari ginagawa ko buo kung makakaya para lang hindi siya maalala.

"Sa tatlong araw na pagtambay ko rito puro kape ang inaalok mo, baka naman mag-palpitate ako niyan. Alak naman o kaya beer baka sakali mailabas ko yung sama ng loob na tinatago ko." Natatawa kung sabi.

Umupo 'to sa tabi ko saka nilapag ang kape sa may lamesa. He's been there to me from day 1 tambay ko nasa tabi ko lang siya. Saka niya ako iiwan kapag balak ko na umuwi. Sinasamahan niya lang ako tumambay.

He's Jake the guy I met last time. Iyong tinawag ako sa name ko at naging misteryo sa akin as in. Tapos naalala ko na naging crush ko pala siya, he's indeed handsome mas lalo pa 'tong nadagdagan ngayon.

"Siguro kung hindi ako broken boy, baka magkalandian na tayo kaso wala broken ako eh." Sabi ko rito saka kinuha ang kape at sinimulan inumin.

"Salamat dito," sabi ko pa saka tumingin sa kalangitan.

"Pagod ka na ba?"

"Ewan ko, siguro. Kung nakakapagsalita 'tong puso ko baka nagrereklamo na 'to. Sorry ha? Hindi kita naiwas sa sakit, hayaan mo pass muna tayo. Mag-focus muna tayo sa studies." Sabi ko habang hinahaplos ang puso ko.

Hindi ko siya naingatan, ito rin mga mata ko hindi na tumigil sa pag iyak gabi gabi. Grabe ka Cejay, iba yung atake mo sa akin. Ikaw lang iniyakan ko ng tatlong gabi as in. Sa dami kung ex flings wala miski isa akong iniyakan ikaw lang talaga.

"Ayaw mo na ba talaga?" Sabi nito kaya tiningnan ko 'to saka mabilis na umiling.

"Pass muna, mag aral na lang ako. Ito may mapapala ako samantalang yung love sakit sa puso at ulo." Sabi ko saka mabilis na ininom ang kape.

"Crush mo pa rin ba ako?" Naibuga ko ang kape ko sa sobrang gulat buti na lang at nakadaan na yung mag ina bago ko ito maibuga.

"Gago ka ba? Ano akala mo sa akin? Long time magka-crush sa tao. Aba matindi naman yun! Patay na patay. Alam mo kasi Jake, natural sa akin magka-crush pero natural din sa akin mawalan ng gana sa crush lalo na kapag alam ko wala naman ako mapapala. Lugi naman ako banda roon. Ayaw ko sa crush na hindi marunong mag-crush back. Ekis sa akin. Atsaka hello! 2 fucking years na yun marami ng nagbago." Sabi ko pa saka pinunasan ang baba ko.

"Aaminin ko na mas guwapo ka kaysa noon siguro mas natuto ka at nag-mature ka. Pero hindi pa rin magbabago ang desisyon ko na hindi na kita gusto. Past ka na kaya wag ka riyan magulo. Baka sa'yo mabuntong yung inis ko kay Cejay." Pagtataray ko.

Tumayo ako at inayos ang buhok ko saka naglagay ng liptint.

"Ayaw mo muna tumambay at hintayin magsara 'tong 7/11." Sabi nito.

Gago ba siya? Hintayin magsara? Kailan magsasara 'to? 24/7 kaya 'tong bukas.

"Gago 24/7 'tong bukas boi, sige na uuwi na ako naboboring na ako tumambay. Bukas ulit kapag sinipag ako." Sabi ko sa kaniya saka sinuot ang back pack ko.

"Hindi ka ba napapagod? Gabi gabi na lang halos?" Sabi nito na tila concern kaya napabuntong hininga ako.

"Pag iyak na nga lang paraan ko para kalimutan siya ipagkakait mo sa akin, hayaan mo na lang iiyak ko 'to baka sakali mapagod ako tapos makalimutan ko yung sakit. May mga tao kasi na kahit mahal nila yung isa't isa hindi puwede. Siguro gano'n kami ni Cejay, we really love each other pero hindi kami yung will ni God and that's fine. Mahirap man tanggapin pero wala ka naman choice but to accept it, malay mo naman mas worth it pa pala yung darating. Salamat sa pakikinig at sa concern. Magiging okay rin ako. Si God na bahala sa akin. May tiwala ako na may magandang blessing 'to kaya ikaw ipasa Diyos mo na yung babae na gusto mo kung sino man siya." Sabi ko saka siya tinapik sa balikat.

Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya at hindi na siya nilingon kahit tinatawag ako nito.

Siguro karma 'to sa mga katarantaduhan nagawa ko, mga kalokohan at yung pang iiwan baka sinadya 'to ni Lord para maranasan ko yung feeling na masaktan and charan nangyari na nga. Cejay is my lesson, lesson kung saan nagparamdam sa akin na may taong darating sa buhay natin para pasayahin tayo at samahan tayo sa sandaling panahon. They will leave us not just because they want but because it was God's plan. Lagi akong naniniwala na may plano si God na maganda. Kumbaga sa biyahe na 'to sandaling panahon ko lang nakasama si Cejay pero sobrang dami nitong aral na iniwan sa akin na babaonin ko sa susunod na magmamahal ako. Naniniwala pa rin ako sa tamang oras, tamang oras para sa tamang tao.

Baka pinadala siya ni Lord sa akin para ma-realize ko yung mga bagay na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Thankful ako kasi may isang Cejay na dumating sa buhay ko na minsan nagpasaya, nagpahalaga, nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa akin. Isang Cejay na magpaparamdam sa'yo na kahit pretending love lang yun deserve ko mahalin. Thank you Cejay for being part of my life. I will forever treasure those memories we had. Hanggang sa muli natin pagkikita paalam.

"Elle," sabi ko ng maabutan si Elle na tila nag aabang ng jeep.

"Ba't ngayon ka lang uuwi?" Nagtataka kung tanong.

"Mahabang kuwento ate, sa bahay na ako magsasabi sa'yo. Tara uwi na tayo." Sabi nito saka pinara ang jeep na dumaan.

Agad ako nito hinila pasakay sa jeep pero agad rin niya ako nabitawan dahil hindi kami puwede magsabay sa pagsakay.

Bakit tila aligaga masyado 'to? Tapos parang nagmamadali pa?

Weird masyado ni Mireille.

"Mireille... What happen?" Mahinahon kung sabi.

"Kasi ate..." Sabi nito saka kinagat ang pang ibabang labi.

"May jowa na yung favorite author ko, naiiyak ako." Sabi nito kaya binatukan ko siya.

"Gago ka ba? Iyon lang iiyakan mo na? Siraulo ka. Tigilan mo na yan kakabasa mo at kakasuporta sa writer sa RP. Magbasa ka ng wattpad pero wag ka masyado OA sa pagsuporta sa mga yan. Ang labo nila ma-reach girl." Sabi ko rito kaya napayuko siya.

"Ate! Nakakainis ka. Imbes na i-comfort mo 'ko lalo mo ako sinasaktan. Kainis 'to!" Sabi nito kaya tinarayan ko siya.

Puwede naman kasi na babae ang suportahan niya, kailangan talaga lalaki. Required ba na kapag babae readers lalaki ang kailangan i-support ano kaya yun?

"Ikaw nga iniiyakan mo rin siya, akala mo ba hindi namin alam ni Ven. Hello baka kasama mo kami sa paglaki. Alam namin na umiiyak ka hindi lang kami nagsasalita kasi hinihintay ka namin maging okay. Madalas tumawag ate Yaz sa amin tinanong ka. Alam na rin kasi niya na wala na kayo pero sinasabi namin na basic lang yun kay Ate Yla pero yung totoo todo iyak siya. Ate wala naman masama umiyak pero hindi naman puwede na gabi gabi mo na lang siya iiyakan tapos sisihin mo sarili mo kaya iniwan. No! Hindi yun gano'n kaya tayo iniiwan it's either hindi sila makontento o may iba sila and hindi dahil pinagpalit ka hindi ka na better. Baka kasi hindi naman talaga kayo yung will ng destiny o ng Universe. Itigil mo na yung kaka-flirt, hintayin mo yung taong nakalaan para sa'yo wag ka masyado atat. It takes time." Sabi nito sa akin kaya natahimik ako.

May point siya, nakaka-speechless lang na iba epekto ng pagbabasa niya. Iyong tipong wala naman siya experience pero ang galing niya lang mag-advice akala mo own experience niya yun pala kakabasa niya lang.

Minsan nga ma-try ang pagbabasa baka maiwasan paglalandi ko.

"I-let go muna feeling mo sa kaniya, mag umpisa ka ulit sa Ysabella na walang Cejay. May Alicia na yun at soon to be baby. Magiging isang pamilya na sila, maging masaya na lang tayo sa kanila baka sila talaga yung nakatadhana pinadaan lang sa'yo ganern. Move on." Sabi nito kaya natawa ako.

Panahon na para palayain ang puso ko. Cejay... Tapos na akong mahalin ka, siguro panahon na para magsimula ulit ako bilang Ysabella na walang Cejay. Nakakainis ka kasi eh sinanay mo ako na nandyan ka, pinangakuan mo pa ako tapos sa huli sa iba mo pala tutuparin. Maging masaya sana kayo at sana kapag dumating na yung para sa akin magkita ulit tayo para batiin ang isa't isa ng isang ngiti. Ngiti na nagsasabi na pareho na tayong masaya sa mga taong pinili ng tadhana para sa atin. Sana kapag nagkita tayo nasa tamang tao na ako at hiling ko lang din na siya na rin ang tamang tao para sa'yo. Darating din siya matagal man pero alam ko at naniniwala akong darating siya sa tamang panahon. Hanggang sa muli Cejay, paalam...

"Maybe it was like a I love you, good bye..." Mahina kung sambit.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now