THREE

144 9 0
                                    

"Bakit ayaw mo sa commitment?" Iyon ang bungad na tanong nito pagkaupo namin.

Nasa Mc Do kami since oras na para sa dinner. I decide na kumain na rin kasi libre niya naman kaya umoo ako kasi sayang.

Tumanggi ako kaso mapilit kaya sige na nga lang, kahit ano naman kain ko hindi ako tataba kaya oks lang lumamon ulit.

"Mas masaya ang walang label, walang bawal, less heart breaks and drama." Sagot ko habang nakapangalumbaba.

Hinihintay namin yung order niya.

"Sigurado ka ba na mahal ka?"

"Hindi, kaya kung gusto nila ako iwan ayos lang. Ihatid ko pa sila eh. Ilang beses naman na ako na-ghost, how many times ko na halos na-encounter pero ayos lang. Wala naman akong pake as long as masaya ako." Sabi ko sa kaniya.

Isa pa hindi na mahalaga kung may label pa yan, what matters to me is I enjoy what I'm doing.

Atsaka mahirap dumating ang true love, makakapaghintay naman yan. I-ne-enjoy ko lang ang pagiging kabataan ko.

"Bakit ikaw?" Tanong ko ng hindi siya umimik.

"She left me," sabi nito sa akin kaya napaayos ako ng pagkakaupo. Sumandal ako saka seryosong nakatingin sa kaniya.

"Ikaw, naiwan. Astig." Sabi ko na halos hindi makapaniwala.

"Grabe ka, ugali mo na siguro ata ang mag judge without knowing the whole story. Katulad na lang nung plastik kanina." Sabi nito kaya napairap ako.

"Hinusgahan mo rin naman ako pero hindi ako nagalit." Sabi ko rito.

"Iba naman yun,"

"Magkapareho lang yun, parehas na panghuhusga." Sabi ko saka inirapan sakto naman na tinawag yung number namin para sa order kaya naman tumayo na siya para kuhanin 'to.

Buwisit na lalaki 'to. Tila mas babae pa kaysa sa akin eh.

"Ikaw ba?" Tanong ko pagkabalik niya.

Nilalapag na nito ang order namin.

"Matapang ako kaya sumusugal ako," sabi nito kaya tumango ako.

So ako hindi? Hindi ba puwede na ayaw ko lang kasi willing to wait naman ako sa true love.

"Wews," sabi ko rito saka siya inirapan.

"Anyway, can we set our status to in a relationship? May gusto lang ako patamaan." Sabi nito kaya naman napatitig ako sa kaniya.

"Patamaan? What do you mean? Sinasabi ko sa'yo Cejay, ayusin mo yan dahil nanapak ako." Sabi ko rito.

"Grabe naman yun,"

"Seryoso nga ako, sabi ko nga ayaw ko nakikita ng nanay at tatay ko. Ayoko ipaalam sa kanila kaya kung gusto mo i-set mo yung sa'yo tapos wag mo na ako i-tag." Sabi ko rito.

Active masyado sa social media si Ven tapos sikat pa kaya hindi malabo makita niya 'to. Ayaw ko naman asarin ako ng mga kapatid ko. Like hello? Hindi ako puwedeng matalo.

"Ano kaya yun," sabi nito sa akin na halatang nagtataka kaya napairap ako.

"Cejay, ayoko lang maiwan sa ere. Ayoko maging dagdag problema sa mga tao na nasa paligid ko lalo na sa pamilya ko kaya ayaw ko i-set. Ipakilala mo na ako sa mga tropa at pamilya mo pero wag mo ako asahan na ipapakilala kita sa parents ko." Sabi ko sa kaniya pero ngumiti lang siya.

"Okay, madali naman ako kausap." Sabi nito kaya nag umpisa na ako kumain.

Hindi ko na lang siya pinansin pa habang nag-ce-cellphone siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now