SEVEN

114 9 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang Yla?" Iyon ang bungad sa akin ni Mama pagkapasok ko sa bahay.

Gabi na ako nakauwi. Nagsumbong na naman for sure 'tong si Elle.

Humanda talaga sa akin 'tong si Mireille.

"Sabi ni Elle, early dismissal kayo since wala raw kayo prof sa afternoon class niyo. Dapat alas dos pa lang nandito ka na sa bahay Ysabella. Alas siyete na ng gabi. Uwi ba yan ng matinong studyante?" Sabi ni Papa kaya napayuko na lang ako.

Kabahan ka na kapag full name na binaggit ni Papa, galit na talaga yan. Kilalang kilala namin si Papa at alam namin kapag galit na siya.

Full name na itatawag sa'yo.

"I'm sorry po Ma at Pa," sabi ko pa sa kanila.

Hindi naman ako dati pinapagalitan kahit alas onse pa ako umuwi tapos all of sudden papagalitan nila ako.

What happen? Nagbago na ba patakaran nila sa amin?

"Next time mag-text ka para hindi kami nag aalala. Hindi mo ba alam na dumadami ang kaso ng rape. Kailangan umuwi ka ng maaga dahil wala ka rin naman jowa." Sabi ni Mama.

Gusto ko sana matawa sa last statement ni Mama kaso oras ng sermon kaya saka na lang.

"Pasensiya na po talaga," sabi ko pa.

Hindi talaga namin ugaling magkakapatid ang idepensa ang sarili, I mean yung sasagot pa kami sa kanila ginagawa na lang namin tumahimik kasi titigil din naman sila eh. Hayaan na lang natin sila sabihan tayo.

"Umakyat ka na sa kuwarto mo," sabi ni Papa kaya agad akong naglakad paakyat sa kuwarto ko.

Papasok na sana ako ng kuwarto ko ng mapansin na nakabukas ang pinto ni Elle kaya pumasok ako, naabutan ko 'tong inaayos ang bookshelf niya.

"Nagsumbong ka na naman siguro," sabi ko saka hinila ang buhok nito.

"Gago te wala kami sinabi, pinagtakpan ka pa nga namin ni Ven eh. Kaso g na g ang lola mo dahil nga may nabalitaan na na-rape. Gago ka-schoolmate natin kaya sila Mama at Papa kabado. Ayaw mo pa mag-reply sa chat. Ikaw i-ne-enjoy mo date mo si Mama at Papa ay kabado at alang ala na sa'yo. Next time mag-text ka para may maipakita ako kila Mama." Sabi nito.

Aww, hindi ko alam. Sorry Ma at Pa. Next time talaga mag-te-text na ako para hindi na kayo mag alala pa.

"Akala ko ba galit kayo sa akin," nagtataka kung sabi kaya napaharap siya sa akin.

"Ate Yla hindi kami galit, nabubuwisit lang kami kasi masyado ka bully pero kakampi mo kami. Kahit gipit na gipit at nasa delikado stage ka na kasama mo kami. Kapatid mo kami at natural na kami ang kasama at kakampi mo. Oo minsan hindi tayo nagkakasundo pero lumilipas yun. Kadugo mo kami kaya alam mo na nasa tabi mo kami." Sabi nito kaya napayakap na lang ako sa kaniya.

"Thank you so much Elle, I love you so much." Naiiyak kung sabi.

"Ate naman nagpapaiyak, na-adopt muna ata pagiging emosyonal ni Ate Yaz na kahit konting bagay iniiyakan." Sabi nito kaya mas lalo akong napaiyak.

Sobrang suwerte ko sa kanila. As in solid sila. Maasahan mo sa oras ng gipitan, talagang sasalohin ka. Suwerte ako to have ate Yaz na sobrang haba ng pasensiya at sobrang mapagmahal. Si Elle na supportive at maasahan mo talaga at si Ven na kahit deadma at hindi showy alam mo naman may care sa'yo. I'm so lucky to have them at kung mabubuhay akong muli, I will definitely choose them as my sister again. Wala ng mas hihigit pa sa kanila, sobrang the best talaga sila.

"Wow! Hindi kami na-inform. Sali kami aba." Sabi ni Ate Yaz kaya naman nagkatinginan kami ni Elle saka natawa.

Nag-group hug kaming apat.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt