EIGHT

117 9 0
                                    

"Mireille let's go," iyon ang sigaw ko sa kaniya.

Napakabagal masyado eh. Sinabi ko kasi na kumilos na siya kanina.

"Sandali lang!" Sigaw nito pabalik.

"1,2,3-"

"Taeng tae masyado," pagputol sa bilang ko.

Napatingin ako sa ayos nito.

"Kailan ka pa natuto mag make up?" Tanong ko.

Hindi naman kasi siya nag aayos eh, certified wattpader siya kaya hindi raw siya mag aayos pa since maganda raw mga wattpader.

"May ano lang kasi sa school, class picture. Na-realize ko lang na college na pala ako tapos hindi pa ako marunong mag ayos. 18 na 'ko." Sabi nito kaya napatango ako.

Tama nga naman siya, 18 na siya at siguro okay na rin yung nag-me-make up siya.

"Ang ganda mo yiee, ikaw ha? Baka naman may improvement sa inyo nung idol mo." Sabi ko rito saka inayos ang buhok nito na nakaharang sa mukha niya.

"Na-notice na niya ako pero putek, isang beses lang hindi na nasundan." Sabi nito na halatang nalungkot.

"Okay lang yan, someday magiging close mo rin siya kaya tiwala lang. Huwag ka mawalan ng pag asa." Sabi ko rito kaya hinalikan niya ako sa pisnge.

"Achuchu," sabi nito kaya hinila ko na siya palabas.

Mahuhuli na talaga kami.

"Good morning Ysabella," gano'n na lang ang gulat ko sa biglaan pagsulpot ni Cejay.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may klase ka? Nag cut ka ba ng klase mo para lang puntahan ako. Sinabi ko naman ay ayos lang kasi kasabay ko naman si Elle eh." Sabi ko rito.

Maaga pa lang chinat niya ako, sinabi niya na baka hindi na raw niya ako masundo dahil nga maaga ang pasok nito medyo hassle kung susunduin pa ako. Sinabi ko naman sa chat na ayos lang since kasama ko naman si Elle at kahit hindi ko naman kasama si Elle ay ayos lang. Sana'y na ako mag isa.

"Absent prof namin sa first class, nakita ko si Jane at Nics at nabanggit nila na paalis ka pa lang kaya pumunta agad ako. Sakto lang din na nandito ka pa." Sabi nito.

Haist, buwisit talaga yung dalawa na yun. Hassle pa tuloy kay Cejay. Kahiya.

"Uy hi!" Nakangiti na bati ni Elle.

"Hello," nakangiti rin na bati ni Cejay.

"Let's go ate, nagmamadali ka 'di ba? Tara." Sabi nito saka kumapit sa braso ko.

"Hatid ko na kayo," alok ni Cejay.

Tatanggihan ko sana ng tumango si Elle.

"Sure, hindi ako tumatanggi sa grasya." Sabi nito saka naglakad papasok.

Umupo siya sa may back seat kaya no choice ako kung hindi umupo sa front seat katabi si Cejay.

"Akala ko ba kuya hindi mo susunduin si Ate," sabi ni Elle.

Nagsisimula na sa pagmamaneho si Cejay.

"Hindi naman talaga niya ako susunduin, ewan ko ba't nandito yan." Sabi ko pa.

"Ayaw mo ba ate? Ikaw lang ata ang jowa na ayaw sinusundo. Aba ate! Baka may ibang sumusundo." Natatawa na sabi ni Elle kaya natawa na lang din si Cejay.

Alam ko naman hindi magseselos ang isang 'to kasi syempre nagpapanggap lang naman kami eh.

"Unique ata si Ysabella na girlfriend," sabi nito.

Napairap na lang ako dahil sa mga sinabi nila. Pinagtulungan na naman nila ako asarin.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami kaya pagkatigil ay agad rin ako bumaba.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now