NINE

119 9 0
                                    

"Sampalin niyo nga 'ko," iyon ang sinabi ko sa kanila dahilan para tingnan nila ako.

"Bakit? Para saan?" Nagtatakang tanong ni Nics.

"Why would we slap you ba?" Maarteng sabi ni Jane.

Napailing na lang ako habang napapasabunot sa sarili ko.

I'm not dreaming, real na real yung kiss.

Bigla akong na-stress gago.

"Balik na ako sa room," sabi ko sa kanila.

"Huh!? 2 hours tayong tutunganga roon sis. Let's go na sa Mall." Sabi ni Nics saka ako nito hinawakan sa kamay para hilahin patawid.

"Girl, ayos ka lang ba? Iba ba epekto ng halik ng isang Cejay Ramirez. Masarap?" Kinikilig na sabi ni Jane dahil nahahampas na niya ako.

"Tarantado!" Naiinis kung singhal kaya natawa sila ni Nics.

Bumitaw ako sa pagkakahawak pero hindi ako binitawan ni Nics kaya naman hinawakan din ni Jane ang kabila kung kamay.

"Hep, wala na 'tong atrasan pa. Dapat malakas paninindigan mo girl." Sabi ni Jane kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Treat kita ice cream kaya sumama ka na sa amin Yla." Sabi ni Nics.

"How about me?" Pagsingit ni Jane.

"Hello girl, mas malaki pa nga 'tong allowance mo kaysa sa akin. Hindi na kita sagot aba." Sabi ni Nics kaya natawa ako.

Tama naman si Nics eh, malaki naman allowance ni Jane kaya okay lang magwaldas siya. Panay nga siya shopping samantalang hindi naman niya nagagamit yung ilan sa mga yun, sabi niya collection daw o kaya design lang.

Gastos lang wala naman pakinabang.

"Jane, puwede ba ako humingi sa'yo ng bag. Baka may hindi ka roon ginagamit bigay mo na lang sa akin, iingatan ko yun. Kilala mo naman ako bilang maingat." Sabi ko rito kaya tiningnan niya ako.

"Ayaw mo ng brand new? Bilhan na lang kita. Anong brand ba gusto mo? Anything." Nakangiti nitong sabi kaya umiling ako.

Kaya nga ako nanghihingi kasi nanghihinayang ako sa pera. I mean, hindi ko pera yun pero sayang pa rin. Atsaka isa pa, puwede naman ako roon sa mga luma na alam ko naman once or twice lang naman niya 'to nagamit. Sayang lang.

Mas nanghihinayang pa ako kaysa sa kaniya na gumastos.

"Alam ko sasabihin mo na OA ko banda rito pero ayaw ko kasi ng bago, okay na ako sa mga luma. Sure naman ako na mukha rin brand new ang mga yun since hindi mo sila nagagamit araw araw. Atsaka sayang din yung pera na gagastusin mo. Gamitin mo na lang yun sa needs mo." Sabi ko rito kaya pumalakpak siya.

"Kaya ayoko naniniwala sa mga tao sa paligid ko eh, marami kasi sila sinasabi sa'yo na kesyo pera daw habol mo kaya mo kami kinaibigan which is not true. True friend talaga 'to and I really love you talaga." Sabi nito sa akin saka ako niyakap at hinalikan sa pisnge.

Sino ba naman kasi ang hindi ma-to-trauma kung kinaibigan ka lang dahil sa pera. Yung feeling na kaibigan ka dahil may kailangan sila tapos kapag wala na sila mapapala para ka lang basura na itatapon. Wow! Baka basura ugali nila.

Gigil nila 'ko.

"Basta yung bag ko Jane, daanan ko na lang sa inyo." Sabi ko rito saka bumitaw sa pagkakahawak.

"Nandito na tayo, wag masyadong OA Nics." Sabi ko rito saka naglakad papasok.

Hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa Mall. Walking distance lang naman siya kaya madalas kami tumatambay kapag mahaba yung vacant time na mayroon kami.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now