SIX

117 8 0
                                    

"It's a prank," iyon ang sinabi niya ng mapansin ang bigla kung pagtahimik.

"Tangina ka," naiinis kung singhal saka siya pinaghahampas sa braso. Tawang tawa lang 'to.

"Nag iba kasi bigla yung itsura mo kaya sinabi ko na it's a prank. Pero seryoso paano kung ligawan kita tapos hindi ko 'to inoffer?"

"Next question, wala man lang yung madali. Like anong favorite fast food ko? Something like that." Sabi ko rito saka siya inirapan.

Hilig masyado sa suprise kitang hindi ako handa. Ayaw niya ba itanong sa akin yung mga favourite ko. Seryoso? Need talaga hard question.

Pakyu.

"Let's go, dami mo kuwento. Kailangan ko umuwi ng maaga. May kailan pa ako tapusin baka kasi ako ang tapusin." Sabi ko rito kaya nagsimula na siya sa pagmamaneho habang ako nakatingin lang sa bintana.

"Gisingin mo na lang ako, iidlip lang ako." Sabi ko rito saka sinandal ang ulo sa bintana. Hindi ko na hinintay ang respond kasi for sure narinig naman niya 'ko.

Naramdaman ko ang pagsakit ng leeg ko kaya dinilat kung mata ko.

"Madilim na agad? Kung hindi ako nagkakamali ay mag-la-lunch kami ni Cejay. What happen?" Sabi ko sa isip isip ko.

Binuksan ko ang pinto at sakto naman may babae na bumungad sa harapan ko.

"Oy hi!" Sabi sa akin ng isang girl na mas ahead ng 2 or 3 years.

"Hala! Hi po, nasaan po ako? Si Cejay po." Nagtataka kung tanong.

Nasaan ba ako? Baka mamaya kidnap for ransom pala 'tong Cejay. Next time kahit gaano ako kaantok hindi na ako matutulog.

Nilalapit ko sarili ko sa kapahamakan pero sabi nila kung nakatadhana na mategi ka edi tegi. Hindi naman ganito ka aga ang expected ko.

Hindi ko pa time, Lord. Pahingi po muna ng second chance.

"Hey, gising ka na pala. Tara, kain ka muna tapos hatid na kita. Mukha kasing pagod ka." Sabi nito kaya naman nagtataka si Ate Girl.

"Hi, so you are Ysabella. Cheska pinsan ni Cejay. Nice meeting you be." Sabi nito kaya bigla ako nahiya.

Naalala ko na tatlo pala sila na lalaki. Pero hawig niya 'tong Cheska. Puwede na sila maging magkapatid since may hawig sila sa isa't isa.

"Nice meeting you po," sabi ko rito.

Nakipagbeso siya sa akin.

"Ang pretty mo," sabi nito dahilan para mas lalo ako mahiya.

Whoo! Wait, chill ako lang 'to. Ysabella Montivilla, representing Montivilla federation.

"Kayo rin naman po eh," sabi ko sa kaniya.

Hindi ko siya binati dahil lang binati niya ako na maganda ako. I'm just telling the truth at halata naman sa lahi nila na magaganda lahi nila.

"Excuse me lang po, gutom na po alaga ko eh." Sabi ko ng bigla na lang magreklamo ang mga alaga ko.

Gosh! Gutom na talaga ako.

"Let's eat together," sabi nito kaya bumaba na ako.

"Ipapahanda ko ng pagkain natin. Maiwan ko muna kayo." Sabi nito saka naglakad papasok.

"Gagi ka, I told you gisingin mo ako eh. Hinayahan mo 'ko matulog tapos sumakit leeg ko. Nangalay ako, iidlip lang ako tapos malalaman ko natulog na 'ko." Sabi ko saka bumaba.

"Badtrip ka talaga," dugtong ko pa saka siya sinapak sa braso.

"Pakain na ako para makauwi na 'ko, may tatapusin pa akong project." Sabi ko rito kaya naman tumango siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now