TEN

139 8 0
                                    

"Gago," naiinis kung singhal dito.

Tarantado masyado, paasa eh.

"Uuwi na kami," sabi ko saka hinila si Elle palapit sa akin.

Nagiging uto uto na ako kaya baka scam na naman yung sinabi niya. May part sa akin na gusto maniwala tapos may part na wag.

Half marupok tapos half pokpok charot.

"Ba't nagagalit ka te," sabi ni Elle pero hindi ko siya pinansin.

Nagagalit ako kasi alam ko sa sarili ko na nagiging marupok na 'ko. Gago, hindi ko na kilala sarili ko. Hindi naman ito yung Yla na kilala ko. Nagbago lang nung dumating 'tong leche na Cejay Ramirez. Matapos lang talaga 'to ay kakimutan na kita.

Pakyu Cejay Ramirez.

"Mainit ulo ni ate, hayaan muna natin lumamig kuya Cejay. Bye po." Pagpapalam ni Elle saka ako hinila paalis ni Elle.

"Ano ba nangyari ate? Good mood ka naman tapos ba't bigla ka na lang naging attitude. Ano yun?" Sunod sunod nitong tanong kaya napabuntong hininga ako.

"Pagod lang ako," sagot ko rito kaya naman kumapit siya sa braso ko.

"Sana maging okay na kayo ni kuya Cejay," sabi nito pero nagkibit balikat lang ako.

Tangina kasi na Cejay yan, lintek kung magpaasa ng tao akala mo tunay. Paano kapag na-fall ako all of sudden, masasalo ba niya 'ko? Akala ko naman kasi no feelings involve tapos parang may nagbago. Dapat siguro ay makipag break na 'ko para hindi ako gano'n nag wo-worry about sa ending kaso kapag ginawa ko yun para ko na rin inadmit sa sarili ko na talo talaga 'ko.

Baka hindi ko kayanin na wala siya. Baka maghabol at magsisi ako sa huli.

Naging serious mode ata ako bigla.

"Ate? What happen po?" Napaupo na lang ako dahil sa pagod.

Pagod na ako sa pretending love, gusto ko na lang maging real para hindi ako na-pa-paranoid.

"Elle... I'm tired. I just want to rest, ang sakit na kasi." Sabi ko saka bumuhos ang luha sa mata ko.

Matagal ko na 'tong kinikimkim pero hindi ko mailabas kasi baka na-ko-confuse lang ako this past few days sa effort ni Cejay pero alam ko sa sarili ko na hindi lang pretending love nararamdaman ko sa kaniya.

Why naman gano'n?

"Tanga ba ako sa part na nagmahal ako? O sadyang marupok lang ako kaya pumayag ako na maging part siya ng buhay ko." Sabi ko kaya naman niyakap ako ni Elle.

"No ate, don't tell that kasi alam namin na ginawa mo lang yun kasi roon ka masaya. Ate... Don't blame yourself. Hindi ko alam anong nararamdaman mo pero asahan mo na nasa tabi mo lang ako lagi." Sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako.

Bakit ba ang hirap mo bitawan? Bakit ang hirap i-let go ng taong alam mo naman hindi talaga sa'yo.

"Gusto ko na umuwi," sabi ko kaya inalalayan ako nito tumayo.

Akala ko ay matatahimik na ako hindi ko naman alam na darating siya.

"Bakit ngayon pa?" Sabi ko sa isip ko.

"Hatid ko na kayo, mukha naman hindi ka okay Ysabella. Please... Nag aalala ako sa'yo." Sabi nito na halatang nagmamakaawa.

"Cejay, okay lang ba if ihatid mo muna sa bahay si Elle. Gusto ko lang muna mapag isa." Sabi ko rito kaya mahigpit na hinawakan ni Elle ang braso ko.

"No way! Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo ate." Sabi ni Elle na akala mo ay bata na iiwan tapos hindi na babalikan.

Gusto ko muna mapag isa, gusto ko muna isipin if tama pa ba o tama na 'tong kalokohan na 'to. Baka kasi nakalimutan ko na it's just a fake kaya ako nasasaktan ng ganito.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now