FIVE

119 10 0
                                    

"Tara na nga, gutom ka lang." Sabi ko saka siya hinila paalis.

Hindi na ako natutuwa sa mga suggestion niya, tila katapusan ko na kapag siya ang nag-sa-suggest kaya hangga't maari ay wag ko na lang siya hingan ng opinion. Magdesisyon na lang ako with my own.

"Change topic wews," sabi nito sa akin habang naglalakad kami.

"Tila kasi hindi mapapabuti sa akin yung suggestion mo, demanding ka pa talaga sa totoo lang." Sabi ko sa kaniya pero hinawakan niya lang ang kamay ko.

"Nandoon naka-park kotse ko," sabi nito kaya nahihiya ako na nakasunod sa kaniya.

"Hindi mo na kailangan hawakan ang kamay ko, hindi ako maliligaw." Sabi ko habang pilit kumakalas sa pagkakahawak niya.

Ang higpit niya humawak, medyo nasasaktan ako ng very light.

"Ayoko lang agawin ka ng iba," mahina nitong sabi pero narinig ko kaya nanahimik na lang ako.

Pinaparamdam niya sa akin na akala mo tunay yung relationship pero hindi ako nagpapadala dahil ayoko matalo.

No way! Ayoko umuwi ng luhaan. Hindi pa ako ready.

"Saan ba tayo?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto namin katahimikan.

"Any suggestion?" Tanong nito.

Hindi ako gano'n kaalam sa lugar. Tanging Mall lang naman ang kahiligan ko puntanan.

"Nope, ikaw na bahala." Sabi ko saka sumakay sa kotse nito.

Okay naman ako sa mga fast food or turo turo since hindi naman kami mayaman para mag inarte.

Siya na pinapili ko since treat naman niya at the the same time choice niya. Mamaya hindi pala nito trip suggestion ko edi wala rin.

Sayang suggestion, rejected naman sa huli.

At least kapag siya nag-decide ay okay lang sa akin.

"Are you okay?" Sabi nito ng mapansin ang pananahimik ko.

"Oo naman bakit?" Sabi ko rito.

"Nothing," sabi niya saka siya nag umpisa magmaneho.

Napatingin na lang ako sa bintana.

"Ilan kayo magkakapatid?" Pag open ko ng topic.

Just to know. I'm not interested, mema topic lang kami.

"Tatlo puro lalaki," sabi nito kaya napatango ako.

"May half sister kami sa side ni Daddy kaso nasa ibang bansa nagtatrabaho. Panganay kasi namin siya. Bale apat kami isang half brother then tatlo kami magkakapatid na buo." Sabi nito.

"Your Mom and Dad works?" Tanong ko.

"Bakit bigla ka ata naging interesado sa buhay ko,"

"Not really, wag ka assuming dai." Sabi ko saka umirap.

"Business field both tapos mga kuya ko naman lumihis at kinuha ang gusto nila na course kaya hinayahan na nila. Sabi nga nila chase your dream." Sabi nito kaya napatango ako.

"Chase your dream but we have to be wise in making our decision." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin pero hinayahan ko na lang dahil saglit lang yun.

"What do you mean?" Tila naguguluhan nitong sabi.

"What I mean is may ilan na hindi natutupad yung mismong gusto nila kasi iniisip nila yung future outcomes. Kaya they will choose practicality rather than chase her/his dream. Kung ako rin naman yun at alam ko naman wala kami sapat na pera pipiliin ko yun alam ko naman na easy money. Powerful kasi ang money." Sabi ko sa kaniya.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Where stories live. Discover now