Prologue

9 0 0
                                    

Missing
Avril bea Cruz Reyes
Missing since: December 13, 2003
Date of Birth:January 13, 1984
Age: 19 years old
Kasuotan: Black dress below the knee.
Sex: Female
Height: 5'2
If you have Information please contact
(0913*******)
HELP US PLEASE

Michael Pov
Araw ng miyerkules, alas singko ng Umaga, naghanda na ako para pumasok. Simple lamang ang buhay ko bilang isang Detective, mag-isa lamang ako sa bahay dahil sa bumukod na ako sa magulang ko, hindi ko pa naisip magkaroon ng pamilya dahil mas gusto ko pa enjoyin ang pagiging 20's ko. Ako si Michael David Salazar, 24 years old, nagtapos ako sa kurso BS Criminology. Pagkarating ko sa Head Quarters, patong-patong na kaso ang na sa lamesa ko. Agad naman ako na upo.

"Salazar, pinapasabi ni chief na mag-focus ka raw sa missing na babae," bungad sa akin ni Marquez.

"Pero nasimulan 'ko na ang imbestigasyon sa Homicide case," angil ko.

"Pinaubaya ni chief sa ibang grupo," bigla naman ako napatayo, hindi maari! Ayoko sa lahat kapag na simulan ko na ang trabaho gusto ko ako ang tatapos, agad naman ako nagtungo sa office. Pagkapasok ko sa office, na abutan ko naman siya sumisimsim ng kape.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" bulong sa akin

"Kailangan natin matapos ito, hindi pwedeng ibabasura na naman natin," sabi ko.

"Ano kailangan niyo?" tanong ni General, sumaludo naman kaming dalawa bilang pag-galang.

"Nabalitaan ko po na pinalipat niyo po ako, maari ko po ba malaman kung bakit?" tanong ko.

"Dahil hindi 'yan tatanggapin sa korte dahil sa wala kang matibay na ebidensya."

"Pero General, nakahanap na po kami ng makakapag patunay para malagay sa kulungan si Senator."

"Drop the case, Salazar."

"General..."

"Salazar, keep your mouth shut, Marquez, take care of your men."

"Yes sir!" sabi ni Marquez.

"Pero sir, disisyete na kababaihan ang ginahasa ng Senator 'to at dapat na mabulok siya sa kulungan."

"Just do as you're told!" sigaw sa akin ni General.

"We don't have conclusive evidence na makakapag patunay na ginahasa niya talaga ang labimpitong kababaihan! Ano na lang sasabihin sa atin ng mga tao...na palpak tayo magtrabaho? na hindi natin mapatunayan ang mga inaakusahan natin?" tanong sa akin ni General, hindi naman ako makasagot dahil tama siya, panigurado ay babaliktad ang mundo at kami ang mapapahamak.

"Let's just wait and see, we can start investigating if si Senator talaga ang gumawa."

"Yes, sir." Sumaludo naman kaming dalawa pero hindi pa rin ako kuntento, parang may mali o baka kinokontrol na naman siya ng mga na sa tuktok na akala mo ang yayaman.

Naniniwala talaga ako sa kasabihan ang hustisya ay para lamang sa mayaman, nakakalungkot dahil mismong pinagtrabaho ay kontrolado ng gobyerno pero ito ang reyalidad kung saan kapag mayaman ka makokontrol mo lahat. May inilapag naman na folder sa Marquez.

"Ano ito?"

"Ayan yung case na sinasabi ko," sabi niya habang kumakain. Binuksan ko naman ang Folder, bigla naman tumindig ang balahibo ko.

"Si...ya ba yung nawawala?" tanong ko.

"Oo, Mahigit 2 weeks na siya nawawala, ni isa walang nakakita sa kanya kung saan siya pumunta, maski kaibigan wala siya, kaya hindi malaman kung paano natin siya ma-trace pero may iniwan siya sa locker  niya."

Inilapag naman ni Marquez ang lumang Notebook na parang matagal na ito pinagsusulatan.

"Ano naman ito?" tanong ko.

"Diary niya 'yan, may nakapag sabi na mahilig siya magsulat, tanging ballpen at Notebook lang pinagkakaabalahan niya."

Naalala ko kung paano niya ako sagipin, noong gusto ko magpakamatay pero hindi iyon natuloy dahil sa pinigilan niya ako, gusto ko malaman ang pangalan niya pero mukhang ayaw niya ipaalam, wala na ako sa wisyo noong mga oras na iyon at tanging naalala ko lamang ang mukha niya.

Pagkarating ko sa bahay agad na nagbihis at kumain, tiningnan ko naman ang Diary ng Babaeng nagligtas sa akin, na saan ka Avril? sana makatulong ang Diary na ito para matuklasan ko kung na saan ka. Hahanapin kita at ako naman ang sasagip sayo.

A/N: Please don't forget to Vote, Follow and Comment! Thank you mhuuwahh!

Content and/or trigger warning: This story contains scenes of violence, which may be triggerin some readers.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now