10:13 am

0 0 0
                                    

August 12, 2003

Dear diary,

Kakagising ko lamang diary dahil sa nagkaroon ng party ang section namin, hindi 'ko naman inaasahan ang pagpupulong dahil sa sinundo lamang ako ni Vince sa apartment 'ko na ikinagulat 'ko dahil alam niya kung saan ako nakatira, ang sabi niya ay tiningnan niya ang records 'ko para laman niya kung saan ako susunduin, humingi naman siya ng tawad diary kaya pinagbigyan 'ko na lamang siya, sa una ay tumanggi ako pero napapilit niya ako diary, binilhan naman niya ako ng damit at sapatos na susuotin 'ko kinagabihan. Gusto 'ko sana akong mag bayad dahil nakakahiya ang presyo, isang araw 'ko lang naman susuotin pero syempre hindi siya pumayag na ako magbayad, natuwa naman ako inasal ni Vince diary kapag nakapag tapos ako ay ako naman ang tutulong sa kanya.

Pagkauwi 'ko ay naglinis muna ako ng bahay bago nag ayos, naka plain square mini dress lamang ako at pinarehas 'ko ng pointed heels, sa una ay hindi ako pumayag dahil sa kita ang dibdib 'ko at mataas naman ang heels na pinapasuot sa akin ni Vince kaso mapilit talaga siya, siya naman pumili ng susuotin 'ko, pinili niya ang kulay pula dahil gusto niya sa mga babae ang nakasuot ng pula, pagkatapos 'ko mag-ayos ay biglang nakarinig ako ng Kotse, sumilip naman ako sa bintana at biglang lumabas si Vince na naka party attire bumaba na ako ng apartment, tsaka bumaling kay Vince kapag malapitan ay sobrang gwapo niya Diary, nakaramdam naman ako ng kakaiba sa sikmura 'ko. Pinagbuksan niya pa ako Diary ng pinto! hindi 'ko alam bakit siya pumasok sa buhay 'ko?

Pagkarating namin ay nagsisimula na ang party, ipinalibot naman ni Vince ang braso niya sa akin bewang na ikina-ilang 'ko. Nang makapasok kami ay biglang nagtinginan naman sa amin ang tao, lahat sila ay namilog ang mata habang nakatingin sa akin o kay Vince, bigla naman ako nahiya Diary at hindi makatingin sa kanila ng deretso. Lahat sila ay natuwa sa akin diary dahil sa may tinatago raw akong kagandahan, sa tuwing may nakakasalamuha kami ay mas humigpit naman ang pagkakahawak ni Vince sa bewan 'ko, tumingin naman ako sa kanya at ngiti lamang ang isinagot niya. Hindi papahuli ang mga kontrabida, muntikan na matapunan ang suot-suot kong dress dahil sa lampa si Megan, mabuti na lamang ay nahila agad ako ni Vince.

Pumunta naman kami sa tahimik ang lugar, binitawan naman niya ang bewang 'ko at lumipat naman iyon sa kamay 'ko, nailang naman ako diary sa inasal niya kaya pasimpleng tinatanggal ang kamay niya kaso mas hinigpitan niya pa ito, nagkwentuhan kami tungkol sa naranasan namin sa buhay, nalaman 'ko na broken family din pala si Vince, kinuwento 'ko naman sa kaniya ang naging buhay 'ko, alam kong nakaramdam siya ng awa kaya tinigil 'ko ang pagkwento, ayoko sa lahat ang kinakaawaan ako dahil sa ganito lamang ang buhay na meron ako, mas gusto 'ko pa na sabihan ako ng masasama kesa sa kaawaan ako. Nalaman 'ko rin na may mga kapatid si Vince, at siya bunso sa kanila magkakapatid, panigurado ay matatanda na ang kanyang kapatid, hindi 'ko naman sinabi na nagta-trabaho ako at baka umiyak na ito sa harap 'ko.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon