8:13 pm

2 0 0
                                    

August 1, 2003

Dear diary,

Simula ngayon ng pasukan namin, medyo nahihiya ako sa kanila Diary dahil sa hindi ako fashionista 'di tulad ng ibang babae halos maghubad na sa kanilang suot, mas gusto ko ang palda at long sleeve katulad ng nakasanayan ko Diary, ayaw ko kasi maka-agaw pansin, takot ako sa tao kaya ikaw lang kaibigan ko Diary.

Hindi mo ba alam Diary na sobrang ganda ng school namin, parang na sa langit ako kaso merong hindi ko inaasahan na pangyayari, pinatatawanan nila ako Diary at hindi ko naman alam, sa sobrang kakaisip ko nadulas ako sa hagdan, tuloy pinagtawanan pa lalo nila ako, ni isa sa kanila ay walang gustong tumulong sa akin kundi ang pangungutya nila.

Nakakasama ng loob Diary, gusto ko sa kanila magalit Diary pero mas pinilit ko manahimik dahil isang hamak na scholar lamang ako sa prestihiyosong paaralan, puro mayayaman sila Diary, wala akong laban sa kanila. Karamihan sa kanila ay anak ng senator, meron naman duon anak ng Presidente o anak ng mayayaman, samantalang ako anak lamang ako sa labas, simula naghiwalay si Mama at Papa ni isa sa kanilang dalawa walang gustong kumuha sa akin dahil sa may kaniya-kaniya silang pamilya, kaya mas pinili ko Diary na makapag tapos para sa pangtustos ko sa araw-araw.

Alam ko Feeling Diary ng mag-isa dahil simula noon , ako lang mag-isa bumubuhay sa sarili ko, may nakaliutan pala ako ikwento sa'yo Diary, pagkapasok ko kaninan sa Room namin lahat sila natigilan na parang nandidiri sila sa akin Diary. Ayos naman ang pananamit ko, naligo naman ako Diary pero habang pa-upo ako sa upuan ko lahat sila nakatingin sa akin tapos may lumapit na babae sa akin Diary, hinawakan niya ang kamay ko bago tinulak dahil sa kaniyang upuan raw iyon, naiirita ako Diary kase pwede naman niya ako kausapin ng matino hindi yung itutulak niya ako nagkaroon tuloy ako ng sugat sa kamay Diary.

Kaya ayaw ko pumasok sa unang araw Diary kasi kailangan mo magpakilala sa mga Guro mo, hindi ko kaya Diary na tumayo sa maraming tao na parang aatakihin ako sa puso. Nalaman ko Diary ang pangalan nung tumulak sa akin, si Megan Fernandez, anak siya ng Lawyer pero hindi pa rin tama na itulak niya ako panigurado ay kakasuhan siya ng magulang niya kapag nakita niya ang pangyayari.

Habang nagkaklase kami Diary biglang may tumabi sa akin, tinatanong niya kung ano ang pangalan ko, binigay ko naman ang pangalan ko, akala ko na makikipag kaibigan siya sa akin pero sinabihan niyang baduy ang pangalan ko, gusto ko sana siya suntukin Diary pero mas pinili ko muna manahimik dahil sa takot namawalan ng scholarship. Sanay naman ako apihin ng ibang tao pero ang hindi 'ko alam kung bakit nila inaaway?

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now