2:13 am

0 0 0
                                    

September 8, 2003

Dear diary,

Kanina pa ako pumipikit pero hindi talaga ako makatulog, napag-isipan 'ko naman magsulat kaso naiirita ako dahil tuwing gabi ay maraming tao sa mansyon, hindi 'ko naman alam kung kanino itong bahay dahil sa ayaw 'ko pumasok sa buhay nila at gusto 'ko makalaya. Simula ng mapapad ako rito ay hindi maayos ang tulog 'ko, lagi ako nagigising sa tuwing madaling araw.

Ilang araw pa lamang ako dito ay marami na ako nalalaman, panigurado ay higit pa roon ang tungkol sa kanila, hindi 'ko naman alam kung anong klaseng grupo ang meron sila, hindi siya kulto at hindi naman siya gang.

Sa kabila nang pagiging mamatay tao nila ay napag-alaman 'ko na tumutulong sila sa mga charities at sa mga taong mahihirap, satingin 'ko ay mayayaman sila pero ang hindi 'ko maintindihan ay bakit pa nila kailangan pumatay kung maayos naman ang estado ng pamumuhay nila?

Nakarinig naman ako ng putok ng baril na aking ikinagimbal, sumilip naman ako sa veranda at hindi ako nagkakamali, isang matandang lalaki at isang babae habang nakahandusay sa sahig. Napatakip naman ako ng bigbig dahil kitang-kita mula sa kinatatayuan 'ko ang dumadanak na dugo sa matanda at sa babae.

Bigla naman may humila sa akin, isinara naman niya ang bintana at iniawang ng kaunti ang kurtina upang magsilbing liwanag, pinagsabihan naman ako ni Thirteen na wag tumambay sa veranda tuwing hating gabi, tinanong ko naman siya kung bakit pero parte iyon ng kultura nila. Hindi naman ako makatulog ng gabing iyon kaya tinatanong 'ko siya habang siya nakapikit at sinasagot ang mga tanong 'ko.

Tinanong 'ko naman siya na isang kulto ba ang meron sila, ang sabi naman ay isang organisasyon na may sarili kultura na kapag sumali k ay hindi na pwedeng umalis, kapag tumakas o nagtago ay papatayin nila ang buong angkan mo. Parte rin ng organisasyon nila ang pagsusuot ng itim, tamang oras ng pagkain at meron din sila tinatawag na pinaka nakakataas, tinanong 'ko siya kung isa ba siya sa pinaka mataas pero hindi 'ko na raw kailangan malaman. Sinabi rin niya na isang kultura na nila ang pumatay at hindi 'yok against sa rule nila, may sarili silang batas at iyon ang sinusunod nila.

May huling itinanong ako kay thirteen dahil sa inaantok na ako at pumipikit na ang aking mata, itinanong ko naman siya kung bakit nila akong itinatawag no Soheila, naghintay naman ako ng ilang minuto pero hindi niya pa rin ako sinasagot kaya bumangon ako sumilip sa kanya. Nakapikit pa ito at malalim ang paghinga, malamang ay nakatulog na sa daming tinanong 'ko.

Napansin 'ko naman ang makinis niyang balat na tumatama sa sinag ng buwan, hinawakan 'ko naman ang kilay nito na ka'y kapal pababa hanggang sa ilong, wala ka talagang makikiang ka pintas-pintas sa aura ng lalaking iton hanggang sa dumako ang kamay 'ko sa mga labi nito, naalala ko no'ng gabing nagtanan kami ni Vince, siya ang first kiss 'ko pero mas nababaling ang attention 'ko sa lalaking ito subalit mas nanaig sa akin kung gaano kasama ang lalaking ito at kung paano nalang niya kinikitil ang isang tao. Agad naman ko lumayo dahil sa nakakadiri kung lalapat ang labi ko sa mamatay tao na ito.

"I'm waiting, Avril."

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon