10:13 pm

0 0 0
                                    

September 4, 2003

Dear diary,

Nagpaalam naman ako kay Vince para magpahangin, dinala naman ako ng paa 'ko kung saan nakita ko si thirteen nakatayo, nilibot 'ko naman ang tingin sa kagabutan. Panigurado ay an'dito lamang siya sa paligid, tiningnan 'ko naman ang langit, tirik na tirik ang araw, sinimula 'ko naman maglakad, may iilan na hayop ako'ng nakita pero hindi 'ko inaasahan na mahulog sa patibong, nagpagulong-gulong ako mula sa taas, may kalaliman ang pinaghulugan 'ko, nilibot 'ko naman ang paningin 'ko, na sa isang kweba ako.

Niyakap 'ko naman ang sarili dahil sa takot, pilit sumisigaw ng tulong pero walang nakakarinig, may nagsalita naman sa likod 'ko, Thirteen...Lumapit siya sa akin at agad ako umatras, hinawakan 'ko naman ang kawayan na hawak 'ko, sakaling may gawin siyang masama sa akin. Sinubukan 'ko naman siya paluin subalit umiilag lamang siya, tinanong 'ko siya kung ano ang kailangan niya sa akin at ang sagot niya lamang, Ako na ikinakunot ng noo 'ko, hindi 'ko alam kung ang pakay ng lalaking ito sa akin at nasisigurado 'ko na papatayin niya ako sa kwebang ito.

Binilisan 'ko naman umakyat kaso hinawakan niya ang paa 'ko at hinila pababa, muntikan na ako sumubsob sa bato mabuti nalang ay na salo niya ako at agad 'ko siya tinulak at binalaan na wag lalapit sa akin pero nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na pumikit ang aking mga mata.

Nagising naman ako sa kalabog mula sa kabilang kwarto pero gulat na tiningnan ang sarili 'ko na hubo't hubad.

"You're up, let's have some break fast."

"Sino ka?! Bakit ako nakahubad?!"

"I didn't do anything, I brought you clothes 'couz no one fits on you, you have a unique body shape, Avril."

"Don't tell me..."

"I am Thirteen, nice to meet you."

Bago siya umalis ay marami siyang sinabi sa akin na hindi 'ko maintindihan, occupied pa ang utak 'ko. Pagkaalis niya ay sinimulan 'ko na magbihis, tumingin ako sa veranda, maraming mga tauhan ang na sa labas mahihirapan ako lumabas. Pumunta naman ako sa pintuan at unti-unting binuksan ang pinto, sumilip muna ako bawat kanto sakaling may bantay pero habang papahakbang ako ay may sumisitsit sa akin, hinanap 'ko naman ang sumisitsit sa akin. May babaeng nakasilip sa dulong pinto, kung saan narinig 'ko ang kalabog.

"Umalis ka dito! papatayin ka nila!"

"Sinong sila?"

"Hindi mo na kailangan malaman pa, umalis kana dito ngayon din habang ako ang isusunod nila."

"Hindi kita maintindihan..."

"Gagahasahin kanila at ibebenta ang laman loob mo sa mga banyaga, may mga transaction ang Pilipinas pagdating sa mga laman loob ng tao at sila 'yon..."

"N-namumukaan mo ba..."

"Avril, who are you talking to?"

Bigla naman ako humarap sa kanya habang hawak-hawak ang kutsilyo na hawak 'ko sa aking kamay na nakatago sa likod 'ko, habang papalapit siya ay biglang namamawis ang kamay 'ko, sa pagkakataong ito ay kinakabahan ako dahil papatay ako ng mamatay tao at hindi nag atubiling itutok sa kanya at agad naman siya nag iwas, mabilis ang kanyang mga galaw pero na huli niya ang kamay na ikinabitaw ng hawak 'ko. Ipinasok naman niya ako sa isang silid at itinali. Ngayon 'ko lang napansin na may nakataling buhay sa lamesa na ikinakaba 'ko.

"I will show you, how I end this girl."

"I'm sorry! Gusto 'ko lang naman makatakas!"

"No! because of you this woman will die."

"I will do anything! please!"

Pero hindi siya nakinig sa akin, Diary. Kinuha naman niya ang kutsilya at sinimula hatiin mula sa dibdib hanggang sa puson nito, sobrang lakas nang sigaw ng babae dahil sa sakit, maraming nagkalat na dugo samantalang si Thirteen ay patuloy sa pagbuka ng laman loob nito.

"I will do anything please! just let her go!"

Bumaling naman siya sa akin at unti-unting lumapit, naamoy 'ko naman ang lansa dahil sa dugo ng babae, nababalot ng dugo ang kanyang kamay, ang kanyang mukha ay may mga alsik ng dugo.

"one mistakes, five life will lost, always remember that. From now on I will forgive you."

Mabilis ang tibok ng puso 'ko, hindi 'ko alam kung anong klaseng pag-iisip meron ang taong ito. Natatakot ako sa susunod na mangyayari, desidido talaga siyang angkinin ako, hindi 'ko gusto ang nangyayari sa akin ngayon, gusto 'ko kumawala sa kamay ng lalaking ito!

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now