2:13 am

0 0 0
                                    

August 7, 2003

Dear diary,

Na sa isang sulok ako ngayon sa school namin, kung saan ito ang tambayan 'ko, wala masyadong tao at tanging huni ng hibon lamang ang maririnig mo. Kung sa iba ay nakakatakot na tambayan para sa akin isa ito sa pinaka gusto kong puntahan. Ayoko naman makipag sabayan sa mga estudyante kumain at mahihiya ako sa ulam 'ko, kung sila ay masasarap ang dala samantalang ako sakto lang. Naalala ko na naman ang babae noong isang araw, simula no'n ay hindi na kami nagkita, hinanap ko siya sa bawat klase pero hindi ko siya nahanap, na pa isip tuloy ako diary na baka hindi iyon totoo o baka gumagawa lamang siya ng kwento.

Kanina habang may klase ay may tumalon daw sa building na babae, hindi 'ko na tiningnan diary at baka hindi ako makatulog kapag nakasaksi ako ng tao na naliligo sa sarili niyang dugo, naging usap-usapan kanina ang pagtalon ng babae, may dumating na ambulance at media pero naging tahimik lamang ang may-ari ng school, tuloy pa rin ang klase dahil ayaw ng professor na maka-apekto sa pag-aaral namin, na awa tuloy ako sa babaeng tumalon na parang hangin lang ang krimen, minsan na isip ko na demonyo ang tao rito na walang pakialam sa buhay, gustuhin ko man makialam kaso wala ako sa posisyon para umapela, isa lamang akong mahirap at hindi dinidinig kahit sino.

Nandito ako ngayon sa trabaho 'ko, biglang sumagi sa isip ko ang babae na tumalon kanina, ang sabi ng Police ay nagpakamatay daw ang babae pero sabi ng iba ay baka na dulas, kanya-kanya sila ng opinyon pero mas nanaig sa akin ang sinabi ng ibang kalalakihan na tinulak daw siya, humingi naman ng tulong ang mga Pulis na makipag-koopera sa kanila pero agad na pinagbawal na ng may-ari na pumasok ang mga Pulis dahil nakaka agrabyado sila sa klase, nag-alala naman ang mga magulang kanina at nag petition na umuwi muna ang mga bata, wala naman na gawa ang Principal at pina-uwi na kami, habang naglalakad ako palabas ng bahay ay na sa labas ang pamilya ng namatayan, kitang-kita mo sa mata nila ang lungkot at galit. Iniisip ng magulang na may pumatay sa anak nila, kung may pagkakataon lang na makita ko ang nangyari edi sana natulungan ko ang pamilya ng namatayan pero mukhang walang pag-asa na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng babaeng tumalon sa Fernandez Building.

Na sa labas na naman ang lalaking naka itim diary, imposible naman na meron siyang tinitingnan dito at ako lamang ang tao dito sa store, isa lamang ang magagawa 'ko diary, and pinditin ang emergency na nasa ilalim ng lames 'ko, isang beses ko lamang siya tiningnan diary at baka makahalata siya pero nakikita ko pa rin siya sa salamin, salamat na lamang sa mga bumibili ng ganitong oras ng madaling araw, feeling 'ko safe ako, lumingon ako ulit sa tinatayuan ng lalaki, nakita ko pa rin siya nakatayo at masimsim na tinitingnan ako sa malayo, sino kaya siya diary?

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now