11:13 pm

0 0 0
                                    

August 4, 2003

Dear diary,

Napaka saya ko ngayon dahil tinanggap ako sa isang mini store para magtrabaho, 10:00 pm hanggang 5:00 am ang pasok ko. Akala ko hindi ako tatanggapin dahil sa ganito ako, simula bata kasi ako kahi kailan hindi ako pinipili dahil sa baduy ako magsuot o panget ako, iyan kasi lagi naririnig ko sa iba, nasasaktan ako pero hindi ko na lang iniisip, ayoko kasi magalit diary kaya hanggat maari tatahimik na lamang ako.

Habang pauwi ako kanina ay may umaaligid na naman sa akin, nasisiguro kong lalaki siya diary dahil sa tangkad at bruko niyang katawan, natakot naman ako diary at baka mapahamak ako kaya bilisan ko na lamanv ang lakad 'ko, hindi kalaunan ay na wala na siya sa paningin ko. Naayos ko na ang door knob ko diary, panigurado ay walang magtatangka na makapasok sa tinutuluyan 'ko.

Bumisita pala galing ng Manila ang Auntie ko sa side ni Papa, binigyan niya ng mga pasalubong yunv mga kapatid ko sa side ni Tatay, kaso nakalimutan niya ako bigyan tapos pinagalitan niya ako dahil ang payay-payat ko na parang akong patpat, andami niya sinabing masasakit na salita sa akin pero sanay na ako dahil sa tuwing umuuwi siya, sermon lagi ang avot niya sa akin, minsan napapaisip ako kung kapamilya ba nila ako o isa lamang ako sa sampid o baka hindi talaga nila ako kapamilya at napulot lamang nila sa basurahan.

Bayaran na naman ng tubig at ilaw 'ko, kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pangbigay sa landlord ko, nahihiya naman ako kay tatay humingi at baka pagalitan niya ako, kaya sa katapusan ko na lang babayarab lahat kapag nakasahod ako sa pinapasukan ko. Kailangan ko pa makahanap ng isang papasukan para makabayad ako, pinag-iisipan ko pa kung sa parlor, bakery o Laundry, alam kong nakakapagod diary pero kailangan ko gawin ito dahil malaki na ako at ayaw ko na hingian si Tatay, wala naman na akong balita kay Mama tsaka hindi ko naman siya kailangan, mayaman ang napangasawa ni Mama kaya panigurado ay nakakain siya ng masasarao na pagkain at walang iniisip para bukas, iniwan niya kami ni Tatay para lamang sa pera, alam kong hindi 'yon mahal ni Mama, pinagpalit niya kami sa magarang pamumuhay at iyon ang ikinagagalit ko sa kanya.

Tumutulo na naman ang luha ko diary nakakainis! bakit kapag pinag-usapan si Mama, naiiyak ako? gusto ko sa kanya isumbat kung bakit kami ganito ni Tatay pero minsan ay hindi ko kayang magalit dahil alam kong ayaw lang ni Mama ng ganitong pamunuhay pero mahal niya kami. Kung babalik si Mama ay papatuluyin ko siya pero kung kakanustahin niya lang kami ay baka hindi ko siya pagbuksan ng pinto, iniisip ko pa lang kapag nagkita kami ni Mama ay kinakabahan ako, may parte naman sa akin na hindi na babalik si Mama pero umaasa akong babalik siya at mabububo ulit ang pamilyang winaksi ng kahirapan.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now