1:13 am

0 0 0
                                    

September 7, 2003

Dear diary,

Patuloy lamang ako sa pagtakbo, hindi 'ko alam kung saan ako mapapadpad ngayon, lalo na sa isang kagubatan ako, binilisan 'ko naman tumakbo dahil sa hinahabol ako nila thirteen, naririnig 'ko ang mga kaluskos nila sa mga dahon kaya binilisan 'ko pa ang pagtakbo 'ko. Puro sugat-sugat na ang binti 'ko dahil sa sumasabit na sanga, hanggang sa napadpad ako sa damuhan, panigurado ay may malapit na high way dito.

Humanap naman ako ng lusutan upang hindi ako masundan nila Thirteen, habang sa pagtakbo 'ko ay natatanaw 'ko na ang high way, may tumulong luha naman sa aking mata dahil alam ko'ng ligtas na ako pero sa kabilang banda ay may humila sa buhok 'ko, si thirteen. Pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok 'ko, kaya sumigaw ako ng tulong, kahit may isang tao lamang ang makarinig sa akin.

Mabuti na lamang ay sumulpot ang isang magsasaka, balak niya sanang tagain si Thirteen, subalit naging mas agresibo si Thirteen, kinuha niya ang baril tsaka pinaputukan ito sa noo na ikinagulat 'ko, hinawakan naman niya ako sa leeg at binalaan pagkatapos ay may kung ano na tumusok sa akin na siyang ikinadilim ng paligid.

Nagising naman ako sa ilang paghampas sa likod 'ko, nakatali ang aking kamay. Patuloy naman sa paghampas ang tauhan, ngayon 'ko lamang naramdaman ang sakit, lalong tumatagal ay mas humahapdi pa ito. Tumulo naman ang luha sa aking mata, gusto 'ko na makalabas dito, nagsisi ako kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.

Sa pagkakataong ito ay napapadaing na ako sa sobrang sakit, sumigaw naman ako upang humingi ng tulong pero wala ni isa sumulpot, itinigil naman ng tauhan ang paghampas tsaka ito lumabas ng silid, bigla naman natanggal ang posas sa kamay 'ko kaya napasubsob ako, ramdam 'ko ang sakit ng likod 'ko na parang may na punit na laman.

Gusto 'ko tumayo pero sadyang hindi kaya ng katawan 'ko, parang binugbog muna ako bago pinaghahampas, hindi naman makadilat ang aking mata dahil sa natatabunan ito ng dugo. Bigla naman ako nakaramdam ng bisig at agad na binuhat ako, napapikit na lamag ako dahil tumatama ang sugat 'ko, hindi 'ko na maibuka ang mata 'ko pero alam 'ko si Thirteen ito, dahil sa pabango niya na sobrang tapang na parang nakakamatay.

Ipinaupo naman niya ako sa sofa tsaka hinubaran, hindi naman na ako pumalag at ipinaubaya ang sarili 'ko sa kanya, inilagay naman niya ako sa bathtub tsaka piliguan. Hindi 'ko naman naramdaman ang sakit dahil parang meron siya nilagay sa tubig na naamoy 'ko, inahon naman niya tsaka binihisan bago inihiga ng padapa. Ginamot naman niya ang mga sugat 'ko sa katawan hanggang sa nagsalita siya.

"I'm ready to kill them, wag ka lang mawala sa akin, Avril."

Gusto 'ko siya suntukin, diary dahil sa nababaliw na siya, hindi naman siguro tama ang pumatay na lang ng dahil sa isang tao?! 

"I'm dead serious about that."

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon