Investigation

0 0 0
                                    

Michael POV
Isinarado 'ko ang bintana, pagkatapos ay pinatay 'ko ang ilaw. Tanging kandila lamang sa gilid 'ko ang nakasindi. Napabuntong hininga na lamang ako, bukas 'ko itutuloy ang ibang parte ng diary. May kailangan pa ako malaman dahil may konektado ito sa mga high ranking o baka nagkakamali lamang ako? Kailangan 'ko makakita ng matibay na ebidensya para makita 'ko kung sino ang kumidnap sa'yo.

Head quarter's

"Magandang Umaga, Boss!!" saludo sa akin ni Justine ang intern 'ko.

Agad na pinalapit 'ko naman siya upang hindi marinig ng ibang pulis. Nang makalapit siya ay may inabot ako sa kanyang sobre.

"Droga ba 'to sir? baka mahuli tayo dito, wag dito!!" natatarantang sabi niya, agad na binatukan 'ko siya.

"Siraulo! pangalan 'yan ng mga i-imbestigahan mo," saad 'ko.

"Ah! Hehehe, sa sunod po kasi sabihin niyo na lang." Kahit kailan talaga ang isang 'to.

Kinalabit naman ako ni Jack Jimenez ang buddy 'ko. "Na-stress ka na naman sa isang 'yon," turo niya kay Justine.

"Wala naman bago," walang gana ko'ng sagot at ikinatawa niya.

"May nahanap ka ba na ebidensya duon sa diary?" tanong niya.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa diary?" kunot noo ko'ng tanong.

"Ah, sinabi sa akin ni Justine." Pag-sisinungaling niya.

Hindi pa alam ni Justine ang hinahawak ko'ng kaso, buddy.

"Kahit kailan ang isang 'yon tsk!" pagsasabay 'ko.

Matagal 'ko nang matalik na kaibigan si Jack at parehas kami grumaduate sa kursong criminology, pero pag dating sa imbistigasyon, hindi 'ko sa kanya sinabi at alam niya 'yon pero patuloy lang din siya sa pagkwento sa akin ng mga nahawakan niyang kaso samantalang ako ay nakikinig lamang. Ayoko siya madamay kung sakaling may konektado sa kaso ng hinahawakan 'ko kaya sikretong inuutusan 'ko sa Justine para hindi siya mapahamak sa mura niyang edad na lapitin ng krimen.

Biglang lumapit naman si Marquez, at sumaludo naman kami, mas mataas ang ranggo ni Marquez kay'sa akin pero sisiw lamang ang tingin 'ko sa kanya at alam niya 'yon. Kaya lang naman hindi niya ako tinatanggal sa grupo dahil sa ako lang ang magaling at hindi siya ma-promote nang dahil sa akin.

"Mag-usap tayo..." bungad niya, agad naman ako sumunod sa office. Pagkarating namin ay nakita 'ko naman si Justine na nag-print. Pagkaupo namin ay may inabot siya sa akin na papel.

"Magbibigay ang pamilya ng biktima nang pabuya kung sino ang makakahanap bibigyan ng Kinse Mil," sabi niya habang humihithit ng sigarilyo, nagpintig naman ang tenga 'ko.

"Kinse?!!" natatarantang tanong 'ko. Panigurado ay matutulungan 'ko na ang pamiya 'ko nito.

"Oo, kaya dapat mahanap na natin ang babae bago tayo unahan ng iba," makabuluhang aniya na ikinakunot ng noo 'ko.

"Anong ibig mo sabihin?"

"Ilalabas sa iba't ibang media ang babae at hindi lang 'yon, maging sa radyo o sa diyaryo," sabi niya na ikinagulat 'ko.

"Tatlong araw na ang lumipas bago na wala ang babae." Saad 'ko.

"Kailangan natin puntahan ngayon ang apartment ng babae para makalikom tayo ng impormasyon," sabi niya.

Tama! na basa 'ko sa diary niya yung nagreregalo sa kanya na nakatago sa pangalan na Thirteen, walang eksaktong pagkakilanlan ang lalaki sa diary nasisigurado kong siya ang kumuha sa babae. Nang makarating kami sa apartment ng babae ay hindi namin inaasahan na may tao rin kausap ang may-ari ng apartment.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora