9:13 pm

0 0 0
                                    

September 3, 2003

Dear diary,

Sinundo ako kanina ni Vince dahil gusto ako makilala ng magulang niya, nag-suot naman ang ng dress at itinali ang bagsak ko'ng buhok. Habang papunta kami ay hindi 'ko maiwasan kabahin sa takot na hindi ako tanggapin ng magulang niya, hinawakan naman ni Vince ang kamay 'ko para kumalma ako hanggang sa makapasok kami sa mansyon nila ay hindi niya binitawan ang kamay 'ko. Bumungad naman sa amin ang magulang niya, todo puri ang natanggap 'ko mula sa magulang niya.

Sabay-sabay naman kami nagsali sa hapag kainan, tinanong nila ang buhay 'ko, nalaman nila na galing ako sa broken family at anak mahirap lamang ako pero hindi iyon naging hadlang para makuha 'ko ang tiwala ng magulang ni Vince bagkus mas tinanggap pa nila ako sa kanilang pamamahay. Pagkatapos namin kumain ay naglaro kami ng chess ng kanyang Ama, sunod-sunod naman ang pagka panalo 'ko na ikinagulat nilang tatlo dahil wala pa nakakatalo sa kanyang Ama, ikinuwento 'ko naman na nilalaban ako noong elementary sa larong chess at lagi ko nakakamit ang gintong medalya.

Nagpaligsahan naman kami sa larong akademiko ng kanyang Ina at sa pagkakataong ito ako na naman ang nanalo, nalaman nila na Consistent Valedictorian ako na ikinatuwa nila, maaring tulungan 'ko ang kanilang anak sa larangan ng matematika dahil magpapatakbo si Vince ng kumpanya. Iniwan naman na nila kami kaya na solo ako ni Vince, hindi 'ko mapaiwanag ang nararamdaman 'ko sa tuwing kasama 'ko si Vince, nasisiyahan ako sa mga nangyayari sa relasyon namin.

Iniwan muna ako saglit ni Vince dahil maykukunin lang siya sa kanyang kwarto kaya naglibot muna ako sa mansyon nila, sobrang laki ng bahay nila samantalang tatlo lang naman sila, hindi pa kasama roon ang mga body guard na nakapalibit sa buong mansyon at mga Maid na puro linis doon linis dito...Lumiko naman ako sa kabilang pasilyo dahil sa pababa ang hagdan at gusto 'ko matungtong ang basement nila, pagkaliko 'ko ay isang mahabang pasilyo ang bumungad sa akin, ito na lamang ang natitirang daan papuntang basement kaa sinubukan ko'ng humakbang.

Sa paglapit 'ko sa pinto ay nakakaramdam ako ng kaba na may halong takot, nakarinig naman ako ng ingay o sigaw na hindi 'ko maintindihan hanggang sa may humila sa akin, si Vince. Kanina pa raw niya ako hinahanap, tinanong 'ko naman sa kanya na parang may tao roon at ang sabi niya ay inaayos ang machine sa baba dahil sa may butas iyon, pinagsabihan naman niya ako na wag ako ulit pupunta roon at baka kapag may magalaw ako sa mga machine ay baka pagalitan kami ng kanyang Ama, hindi 'ko na tinanong kung anong klaseng machine iyon at baka lumabas na chismosa ako.

Pagpunta namin sa garden nila ay bumungad sa amin ang malawak na lupain, bumaling naman ako sa nakakulay itim ang kasuotan at nakatakip ang mukha habang nakatanaw sa akin sa malayo, tanging pangalan na lamang niya ang nabanggit 'ko.

Thirteen...

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now