9:13 am

0 0 0
                                    

September 11, 2003

Dear diary,

Kanina habang ako ay nagmamasid sa mga tao may isang babae ang nakakuha ng aking atensyon, nakatitig lamang siya sa akin mula sa malayo, pinuntahan 'ko naman siya at baka meron akong malalaman tungkol sa mga tao dito. Napa-ayos naman siya nang upo ng makalapit ako. Tinanong 'ko naman ang pangalan niya upang hindi siya mailang sa akin, siya raw si Ella. Anak siya ng isang Doctor, 12 year's old lamang siya. Tinanong 'ko naman kung baki ayaw niya makisali sa mga batang naglalaro wala naman siya naging tugon.

Kaya inunahan 'ko na siya, sinabi ko'ng masasama ang mga batang iyon kaya ayaw niya makipag laro na ikina-iwas niya. Habang tumatagal ay nakukuha 'ko na ang loob niya, paminsan ay sumasabat siya sa akin sinasabi. Tinanong 'ko naman kung ano ang pagkakakilanlan niya kay Thirteen pero ang sabi niya ay delikado ang mga rito na ikinakunot ng aking noo, marahil ay may nalalaman ang isang 'to, kaya kumuha na ako ng lakas loob tanungin kung ano ang meron sa organisasyon na ito.

Pero hinila naman niya ang aking kamay at pumunta sa wala taong lugar. Nang makarating kami ay agad na binitawan niya ang kamay 'ko bago humarap sa akin. Sinabi naman ni Ella na hindi ako nababagay dito lalo na't inosente ako, tinanong 'ko naman siya kung ano ang nalalaman niya pero unulit niya ulit ang sinabi niya.

Habang nag-uusap kami ay biglang may lumitaw na duguang lalaki at hinihila ako papuntang gubat, nagtaka ako dahil alam niya ang aking pangalan, isa siyang reporter at kalat na sa buong media na nawawala ako at panigurado ay nag-aalala ang magulang 'ko. Hinila naman ako ng isang reporter pa puntang gubat sumama naman ako sa kanya dahil sa nalaman 'ko na nag-aalala ang aking magulang, ginamit lang ni Thirteen ang magulang para makuha niya ako, walang hiya!

Habang tumatakbo kami ay tinanong 'ko naman siya kung paano siya nakapunta dito ang sabi niya ay matagal na niya pinaghihinalaan ang organisasyon na iyon at hindi nga siya nagkamali, mamatay ang mga taong iyon. Pinaliguan naman niya ang sarili niya ng dugo upang mapag-alaman na patay na siya. Kapag nakarating kami sa Manila panigurado ay mapapabagsak ang mga nagsasalo-salo kanina, karamihan sa kanila ay mga matataas na propesyon ang natapos at ang iba ay nagtatrabaho sa gobyerno upang kumurap.

Tinanong 'ko naman siya kung na saan ako ang sabi niya ay na sa saranggani ako, hindi 'ko naman siya maintindihan dahil hindi sa akin pamilyar ang lugar na 'yon pero nagsalita siya ulit na nasa mindanao kami na ikinatigil 'ko. Hinila naman niya agad ako, natanaw 'ko naman na may naghihintay na bangka sa pinaka dulo. Nang makarating kami ay tinanggal ng lalaki ang tali, sumakay naman ang reporter pero  nakarinig kami nang putok ng baril

Narinig 'ko naman ang pagtawag sa akin ni Thirteen na ikinalingon 'ko, gulat naman ako napatingin kay Elle habang hawak ni Thirteen na nakatutok ang baril, umiiyak naman si Elle at sumisenyas na wag ako bumalik. Pinapapili naman ako ni Thirteen, kung ang kalayaan 'ko o si Elle, may tumakas naman na luha sa mata 'ko dahil sa nahihirapan ako mag desisyon. Hinihila naman ako ng reporter pero hindi 'ko maiwasan mag-alala kay Elle, panigurado ay papatayin siya ni Thirteen. Sa kabilang mas pinili 'ko si Elle kesa sa kalayaan 'ko, akala 'ko makakamit 'ko na ang kailangan pero may humahadlang talaga, marahil ay hindi ito ang tamang panahon ng aking pagtakas.

Binitawan 'ko naman ang reporter na ikinainis niya kasabay ng pagtunog ng bangka.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now