11:13 pm

0 0 0
                                    

September 5, 2003

Dear diary,

Gusto 'ko lumabas diary ng mga oras na iyon dahil sa takot na baka gawin niya rin 'yon sa'kin, naalala 'ko naman si Vince, sana hanapin niya ako, panigurado ay nag-aalala na siya sa akin. Kanina tinanong 'ko si Vince kung bakit an'dito ang babaeng pinatay niya ang sagot naman niya ay pinatay no'ng babae ang sariling anak dahil sa wala na ito makain kaya dapat na rin siya mamatay. No'ng una ay naawa ako sa babae pero ng malaman 'ko sa likod nito ay nakaramdam ako ng inis, nakikita 'ko ang sarili 'ko sa bata na pinabayaan na lamang ng ina.

Pagkalabas 'ko kanina ay wala ang nga tauhan, tanging kami lang dalawa ngayon sa bahay, hinanap 'ko naman ang babae na kausap 'ko kagabi subalit hindi 'ko na siya nadatnan doon. Pumasok ako sa office niya, nadatnan 'ko naman siya na maraming ginagawa, tiningnan 'ko naman ang kabuohan, malinis ang buong  opisina pero napako ang tingin 'ko sa mga taong na sa white board na parang sa iisang tao ay may mga koneksyon ito.

"What do you want?"

"Nagugutom ako."

Tumayo naman siya at lumabas, pumunta naman ako sa table niya at may nakita akong baril, agad 'ko ito kinuha at sumunod naman ako sa kanya, naabutan 'ko naman siya sa kitchen area, naghahanda ng makakain. Habang nakatalikod siya ay Itinutok 'ko sa kanya ang baril na hawak 'ko.

"And now you will shoot me..."

No'ng mga oras na iyon ay naduwag ako pindutin ang gatilya, sinabi niya iyon ng hindi lumilingon. Nakaramdam naman ako ng kaba sa pwedeng gawin niya sa akin, mabilis ang kilos niya na pumunta sa akin, pagkatapos ay kinuha niya ang baril.

"Who are you?"

"I'm thirteen."

"That's not your real name."

"Sometimes, there is something that you don't need to know..."

Kinagabihan ay nagising ako dahil sa mga ingay na hindi 'ko malaman, tiningnan 'ko naman si thirteen na malalim ang tulog sa tabi 'ko. Dahan dahan ang aking pagkilos at baka magising 'ko siya, pagkalabas 'ko ay nakarinig ako ng mga nagsasalita, pagkasilip 'ko mula sa itaas ay may nag-iinuman sa sala na sa edad ay 50 pataas, parang mga negosyante ang suotan nila, meron naman na teenager subalit hindi 'ko maintindihan kung bakit sila may hawak na baril?

"Gising ang Soheila!"

Agad naman sila nagsipag tinginan sa akin, lahat sila may ngiti sa kanilang labi habang ako ay gulat na gulat. Kumaripas naman ako ng takbo pabalik sa kwarto, parang dala-dala 'ko ang mundo pagkahiga 'ko, tiningnan 'ko naman si thirteen na mahimbing ang tulog, ngayon 'ko lamang siya nakita ng malapitan, masasabi ko'ng may angking kisig ang isang 'to subalit may halong demoyo ang pag-iisip nito, dapat na ako makalabas dito sa lalo'ng madaling panahon, kung hindi ay tiyak na papatayin ako nito.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon