11:13 am

0 0 0
                                    

September 13, 2003

Dear diary,

Inilipat naman sa susunod na linggo ang aming kasal dahil sa hindi pa makakauwi ang kanyang magulang, hindi rin ako pumayag na ngayon kami ikasal dahil sa malas iyon at wala akong balak magpakasal sa kanya. Sa tuwing kinakausap 'ko siya tungkol sa aming kasal ay iniiba niya ang usapan, gusto 'ko sana na matulungan niya ako na itigil ang kasal at maghanap na lamang ng iba pero hindi ito pumayag kaya ang ending ay pinag awayan namin ito dahilan na hindi ako lumalabas ng kwarto.

Kanina niya pa ako dinadalhan ng Pagkain pero ni isa ay hindi 'ko nagalaw. An'dito pa ang pagkain 'ko para sa umagahan at tanghalian. Sa totoo lang gusto 'ko na kumain dahil sa kanina pa kumukulo ang tiyan 'ko pero mas namumutawi ang inis 'ko sa kanya. Kanina ay pinipilit niya ako kumain, sa sobrang inis 'ko sa kanya ay nasigawan 'ko lamang siya, gusto 'ko siya magalit dahil kapag nagagalit siya sa isang tao ay pinapatay niya ito pero hindi gano'n ang naging reaksyon niya. Hindi 'ko alam kung saan ito humuhugot ng pasensya para sa isang katulad 'ko na lagi na lamang siya sinasaktan.

Naalala 'ko ang sabi ni Hustle no'ng isang araw na ang hiling niya ay magkaroon ng kasiyahan si Thirteen, simula ng malaman 'ko ang kwento niya ay gusto 'ko rin siya sumaya pero hindi ako ang dahilan ng kasiyahan niya. Lagi 'ko lamang siya sinasaktan at pinapahirapan at heto siya ngayon, nakatabi sa'kin.

Kanina pa niya ako pinipilit at bakas sa tono ng boses niya ang kawalan ng pasensiya, binantaan niya ako kung hindi ako kakain ay siya ang kakainin 'ko kaya agad naman ako napabalikwas. Napailing na lamang siya, sinimulan 'ko naman kumain, nakakawalang gana dahio sa malamig na ang nakahandang pagkain kung hindi lang sana ako nag-inarte.

Binanggit niya sa akin na sa susunod na buwan ang kasal, Oktubre 1 ang petsa dahil sa katapusan pa ang dating ng kanyang magulang dahil sa nagkaroon ng problema. Akala 'ko may kasunod pa sa sasabihin niya tungkol sa magulang niya at dahil si Thirteen ay isang independent na tao maski problema sinasarili. Nag-request naman ako na kung pwede sa rooftop ako matutulog pero hindi niya ako pinayagan ang dahilan ay wala siyang katabi, pinangmulahan naman ako Diary sa hindi 'ko mapaliwanag na dahilan.

Sabay naman kami humiga pagkatapos ay tinitigan ang kisame, nakaramdam naman ako ng ilang kaya tumagilid ako pero hindi 'ko inaasahan na magtatagpo ang aming mata kaya dali-dali akong tumalikod, hinatak naman niya ako papunta sa kanya at ipinalibot ang braso niya. Hindi 'ko na mabilang kung nakailang lunok ako at parang sasabog ang puso 'ko. Nauutal naman ako habang sinasabing ayoko sa kanya pero mas lalo niya pa ito hinigpitan.

Sa mga oras na 'yon may isang tao ang nagpatunay ng presensya kahit sa mga sandaling iyon. Huminga naman ako ng tawad habang nakahiga kami at syempre nagpasalamat kahit paano ay pinakain niya binigyan ng konportableng damit at matutulugan, hindi 'ko alam kung gising pa ba siya ang mahalaga ay masabi 'ko sa kanya pero humiling naman ako sa kanya na ang protektahan ako, hindi 'ko alam kung kailan ako mabubuhay sa lugar na ito at lalo na napapalibutan ako ng mamatay tao.

Sumagot naman siya at hinalikan sa ulo bigla naman  bumagsak ang aking luha kasabay nang pagbuhos ng ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon