9:13 pm

4 0 2
                                    

August 2, 2021

Dear diary,

Isang nakakatakot ang nangyari ngayon sa akin diary, may isang lalaki na gusto ako makilala pero hindi ko siya pinansin nung una dahil  baka katulad rin siya nung lalaki. Sabi niya gusto niya ako makilala ng lubusan kaya buong araw kami nagkwento sa isat isa, nalaman ko din na anak pala siya ng senator pero kaya umiwas ako diary, baka isipin ng ibang tao na piniperahan ko siya.

May gusto sana ako sabihin sa'yo, pero wag ka mag-alala, sa'yo ko lang sinabi ito ha? kanina kasi binuhusan ako ng juice ni Megan kasama yung mga kaibigan niya, ang dahilan niya kasi lumalapit ako kay Vince, tapos binantaan niya ako diary na wag ako lumapit kay Vince kung hindi ay may masama raw na mangyayari sa akin, puno ng inis at kaba ang puso ko diary, naiinis ako dahil bakit niya ako pinagbabawalan na makalapit kay Vince? gusto lang naman makipagkaibigan ni Vince, Kinakabahan ako dahil sa takot na kung ano gawin niya sa akin, hindi ko pa masyadong gamay yung ugali ng nga tao dito kaya kailangan ko diary mag-ingat.

May nalaman ako diary na dito pinag-aaral ng mga mayayaman na tao ang makukulit nilang anak dahil sa tingin nila ay dito sila matututo, kaya pala andaming siraulo dito diary, tumatawa lang sila na walang dahilan.

Kanina diary pagkauwi ko galit na galit sa akin si Tatay, kasi dumating siya hindi maayos yung bahay, ako na lang daw tao dito sa bahay hindi ko pa malinis-linis, gusto ko sa kanya magalit diary, ang lakas niya kasi manumbat samantalan iniwan niya ako pati si Mama iniwan ako, simula ng iwan kami ni Mama wala na kaming contact sa kanya pero si Tatay kahit may ibang pamilya umuuwi pa rin siya para bilhan ako ng pagkain, ayaw kasi sa akin ng madrasta niya pati yung mga anak niya sa labas. Pinagbuhatan niya ako ng kamay diary, kaya sobrang sakit ng katawan ko ngayon, patuloy naman sa pag durugo ng sugat ko samantalang marami akong pasa sa ibat-ibang katawan, ginamot ko naman siya diary para maghilom dahil baka ma impeksyon.

Habang naglalakad ako pauwi galing ako kila ate cherry para bumili ng pagkain ko, may sumusunod sa akin, hindi ko alam kung babae o lalaki pero nakikita ko yung anino niya, pasimpleng lumingon ako para makita kung sino, lalaki siya diary tapos nakatakip ang mukha niya tapos nakajacker na itim, kinabahan ako ng sobra diary kaya tumakbo ako sa ibang pasilyo para iligaw siya, hindi muna ako dumeretso sa bahay at baka pasukin niya ang bahay, nakatira lamang ako sa apartment, nasa taas ang landlord habang na sa baba naman ako, medyo sira na ang kandado kaya dapat ko na ito ayusin diary mahirap na sa panahon ngayon lalo na ako lang mag-isa sa bahay.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1Where stories live. Discover now