12:13 am

0 0 0
                                    

August 5, 2003

Dear diary,

Ngayon ang unang araw 'ko sa convenient store, medyo nahihiya ako diary dahil sa iba't ibang tao ang nakakasalamuha 'ko, hindi ako sanay sa ibang tao pero kailangan 'ko labanan ang takot 'ko dahil kailangan 'ko ng pera para pangtustos sa tinutuluyan 'ko. Alam ko na ang feeling kapag nagtatrabaho ka tsaka nag-aaral, napaka hirap pala diary maging working student, kung iisipin mo, napaka dali lang pero kapag ikaw mismo na sa posisyon, gusto mo mag back out pero hindi pwede. Habanv nagbebenta ako ay gumagawa ako ng school work kapag na tapos maglilinis ako ng mga kinainan tapos aayusin ang mga paninda, iyan lang naman ang ginagawa 'ko para hindi ako antukin, hindi ko na mabilang kung nakailang hikab ako, ngayon na naghihintay na sumilay ang araw.

Habang gumagawa ako ng mga school work ko, yung lalaking umaaligid sa akin ay na sa labas, hindi ko mabilang kung ilang oras siya nakatayo roon, panigurado ay nakakangalay sa paa, pero kailangan ko pa rin mag-ingat. Gusto ko man tumawag na Pulis kaso hindi sila maniniwala sa akin dahil sa wala akong matibay na ebidensya, mas maganda kung hahayaan ko lamang siya ay kapag gumawa siya ng hakbang na ikakapahamak 'ko, duon na ako tatawag ng Pulis. Lagi siya naka jacket na itim at may hoody, balot din ang kanyang kamay at naka boots na itim, napapaisip tuloy ako na galing siya sa lamay o burol.

Kanina bago ako pumasok ay may naglagay ng bubble gam sa buhok ko, nahirapan tuloy ako siya tanggalin dahil sa madikit at nakakadiring amoy, kaya ang ginawa ko ay ginupit 'ko ng maayos para hindi halata, mabuti na lamang ay mahaba at makapak ang ang aking buhok kaya natatakpan ang aking ginupit. Naramdaman ko na naman ang inaapi, wala naman silang ginagawa sa akin pero may parte sa akin na kinakalaban nila ako, dahil ba sa mahirap lamang ako, sila na mayayaman at ang sa buhay kaya kayang-kaya nilang tapakan ang ibang tao? Nasasaktan ako diary sa isiping iyon, na parang hinahati ang puso 'ko, wala naman akong ginagawa para ganituhin nila ako.

Maging sa room, canteen, court o cafeteria, lahat sila nagungutya ang mga tingin na tila ay isang lamok na dumaan, maayos naman ang aking kasuotan para sa akin, isang mahabang palda na itim na pinatungan ng puti na blouse, naka sapatos lamang ako para kung sakaling may humabol sa akin ay makakatakbo ako.

Naalala kong muntikan pala ito basahin ng aking ka mag-aral, mabuti na lamang ay nakarating ako sa room ng maaga, panigurado ay malalaman niya ang kinaiinisan 'ko. Matagal na ako nagsusulat ng diary at kada-taon ay sinusunog ko ito para maging abo ang nakaraan 'ko, iyan ang sabi ng nila, ang iba naman ay tinatago nila at iniipon, kaya lang naman ako nagsusulat ay para masulat ko dito ang nais ko sabihin, kaya ako nagsusulat para malabas ko dito ang galit, saya at lungko, kaya ako nagsusulat dahil walang gustong makinig ng kwento kaya ako nagsusulat.

The Avril Diary (A Detective Marquez Unsolved Mysteries) SEASON 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن